Mga ilang araw rin ay naka-labas na sina bunso sa hospital. Ayos na naman si bunso hindi naman daw mild tulad ng dati. Talagang iwasan lang ang dapat iwasan para hindi na umatake ang asthma nito.
Nasa bahay ako ngayon wala na namang klase e kaya ayos lang. Sakto naman tumawag si Kuya agad ako namang sinagot yun.
"Ano? Anong kailangan mo attorney?"tanong ko rito.
"Kumusta si bunso panget? Ayos lang ba siya?"tanong nito sa sensirong boses. Pero hindi ko yun maseryoso dahil tinawag niya akong 'panget'.
"Oo, ayos na siya panget. Nakalabas na nga e. Hindi naman daw severe. Wag kang mag alala, mag-aral ka nalang dyan. Papa-aralin mo pa ako remember?"sabi ko rito. Sasabihin ko yung kay Gerber? Wag nalang alam kong uuwi 'tong gagong 'to e.
"Gago sayang pera ko sayo lalo na't bobo ka."nalukot naman ang mukha ko. "Edi mag engineering nalang ako! Magaling naman ako sa math!" Narinig ko naman ang nabasag sa kabilang linya.
"Hoy? Ayos kalang? Ano yun? Umiinom ka 'no? Hulaan ko nakipag-break ang jowa mo sa kapang mo!"tumatawang saad ko rito.
"T-Tama ka dyan.... ang sakit panget. Parang kinukusot ang puso ko sa sakit."napipilan naman ako sa sinabi nito. Napakurap ako ng bumasag ang boses nito. Hindi ko alam na broken hearted pala itong si Kuya. Joke ko lang naman yun kanina e.
"Kailangan mo ba ako dyan? Wala naman na akong pasok e? Kaya mo pa kuya? Pupunta talaga ako dyan kahit bobo ako."biro ko. Natawa naman ito pero naroon parin ang hikbi.
Alam kong nasasaktan si Kuya ngayon. Kasi never pa siyang umiyak. Kahit pinapalo kaya ni mama. Inaaway siya o inaasar. Nasugatan kahit masakit hindi siya umiiyak. Kaya naman bago sakin 'to. Malapit kaming dalawa hindi lang halata.
Hindi ko rin akalain na 'babae' lang ang iiyakan nito. Siguro mahal talaga nito. Sana lang karapatdat ang babaeng iyon para iyakan ni Kuya.
"K-Kaya ko naman... lilipas rin 'to."sagot lamang nito. Hindi ako naniniwala pero kailangan ko siyang intindihin. Lalaki siya at egoistic ang mga lalaki.
"Tawag ka ulit kong di mo na kaya. Nandito lang ako Kuya kong panget. One call away okay? Mag aral ng mabuti. Tayo lang yata ang pag asa ni Mama e."pamapalakas na sabi ko. Alam kong mahal nito si Mama. Halos hindi nga nito pinapaluto kapag nandito siya sa bahay. Kaya naman halos siya ang umasikaso kay Mama kapag umuuwi siya.
Pero ako naman ang utusan pesti.
"I know. Alam ko kapatid ko. Inggat kayo dyan. Malapit na ako matapos tapos di na kailangan ni Mama mag trabaho. O sige bye na."paalam nito.
"Sige bye."sabi ko bago ako pinatayan ng tawag.
"ANO SABI ng kuya mo anak?"excited na tanong ni Mama. Kasalukuyan kumain kami ng lunch dito lang rin sa bahay. Narito rin ang mga kapatid ko. Halos nasa kina lola talaga ang dalawang ito e. Maliban samin ni bunso dito kami kay Mama.
"Kinu-musta niya ang lagay ni Bunso kung kailangan ba siya rito. Hindi ko rin sinabi rito yung tungkol kay Gerber. Alam kong uuwi yun." Wika ko rito. Nawala naman agad ang saya sa mukha nito napalitan yun ng pag aalala.
Alam niyang mas malala si Kuya kaysa sakin. Mag kapatid kami alam kong mas masama ang ugali ni Kuya kaysa sakin.
Hinawakan nito ang kamay ako at marahan yung pinisil. Seryoso akong tumingin rito. Alam kong hindi naiintindihan ng mga kapatid ko ang pinag-sasabi ko kaya ayos lang buksan ang usapin na iyon.
"Salamat anak. Alam kong magagalit ang kuya mo..."Huminga ako ng malalim sa sinabi nito.
"Ma, alam mong mahal ka namin ni kuya. Mahal rin namin ang mga kapatid namin. Hindi kami magkalayo ng pagiisip. Alam mo yun pero alam mo ring mas masama ang ugali ng kuya ko kaysa sakin. Kapag sinabi ko ang tungkol kay Gerber alam kong uuwi yun. Wala kang makukuhang atensyon sa kanya. Wag mong hintayin na mag tampo kami ni kuya o magalit sayo. Tama na ang kagaguhan ni Gerber. Dalawang taon na nakalipas. Ayos na tayo."deritsong sabi ko. Tumango naman si Mama na parang naiintindihan ang pinag sasabi ko.
Ayokong maulit ang pangyayari no'n ngayon. Masyadong nadurog ang nanay ko sa mga lalaki. Lalo na't madali ito mag pa tawad at umintindi. At ayoko na non. Kung kailangan kong pag sabihan si mama sasabihin ko.
"Hindi ko akalain, matatag ko kayong pinalaki ng kuya mo."walang sariling wika ni Mama. Ngumiti naman ako rito ng tipid.
"Kaya nga Ma e. Matatag kami kasi matatag mo kaming pinalaki ni Kuya ng mag isa kalang. Hindi na natin kailangan ng lalaki sa buhay. Nariyan si Kuya at ako. Kaya natin ng walang a lalaki sa buhay mo para lumaki ang mga kapatid ko."puntong sabi ko. Tumango naman ito at ngumiti sakin. Parang hanga ito sa mga sinabi ko.
"Ate kailangan uuwi si Papa?"tanong ng bunso kong kapatid. Huminga naman ako ng malalim at tinamaan ang ngiti sa labi.
"Hindi na uuwi si Papa mo rito. Sinaktan niya si Mama natin. Ayaw ni Ate umuwi ang Papa mo rito. Magagalit si ate pati narin kuya mo. Naiintidihan mo ba bunso?" mahinhing sabi ko rito.
"Opo. Ayoko magalit Ate ko e. Pero po pwedi parin po ako pumunta sa house ng Papa ko?"tanong nito, tumango naman ako at ginulo ang buhok nito.
MAY USAPAN kami Gio kaya naman ako na mismo ang pumunta sa bahay nito hindi naman big deal saming dalawa yun o kahit kina Tita Reva. Pag karating ko ay buhat buhat ni Gio si Ate Yasmin. Habang si Ate Yasmin umiiyak na may mga dugo na dumaloy sa hita.
Nataranta naman ako agad inalalayan ang dalawa sumakay sa motor. Mukhang wala sina Tita Reva sa bahay. Malakas ang iyak ni Ate Yasmin.
"Gio.... anak ko. Yung anak ko G."pabalik balik na wika nito.
"Ako ang aalalay sa likod Gio. Paandarin mo na ang motor baka mapano ang bata!"Natarantang sabi ko.
"Kapit Denise. Ate darating tayo magiging maayos sina baby."tanging wika ni Gio.
NAKARATING naman kami sa hospital agad kami dinamayan ng nurse at agad yun sinuri ng doktor na babae. Hindi rin nagtagal nakatulog na rin si Ate Yasmin at agad kaming nag tanong sa doktor kong ano ang nangyari.
"Emotional Stress. Yun ang findings. Sa ngayon maayos ang bata. Pero kapag mag patuloy na ganyan ang pasyente baka hindi na makayanan ng bata kumapit. Payo ko sa inyo iwasang i-stress ang pasyente lalo na't buntis." Tumango naman kami at nakahinga ng maluwag.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Gio. Tumingin naman ito sakin at umiling. Bumuntong hininga naman ako at niyakap ito agad naman nitong tinugon.
"Nag-aalala ako Denise... lalo't maselan si ate ngayon. Hindi ko alam kong pano ibsan yun."bulong nito. Tanging pag hagudhod ng likod nito ang ginagawa ko.
Gusto kong may ginagawa ako para kay Gio ayokong makita itong ganito at problemado. Tanging pag papalakas lang ang maagawa ko ngayon.
"Kaya mo 'to. Kaya ni Ate Yasmin 'to okay? Malakas si ate mo alam mo yun. Malalampasan niyo rin 'to alam ko yun. Ulan lang 'to wala pa tayo sa bagyo."wika ko. Ngumiti naman ito at tumango. I kissed him on forehead.
"Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kapag wala ka Denise...."wika nito.
I smiled. "Alam mo naman kung saan ako hahanapin e. Bibigyan kita ng daan kapag nawala ako Gio."
-K.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)