"Denise!"
Napaigtad ako sa lakas ng sigaw ng pamiliar na boses alam kong si Gio yun sya lang naman ang tumatawag sakin ng Denise eh. Lumingon ako nakita ko agad ang nakangiti nitong mukha ,ngunit nagtataka ako bakit mukhang sasabay pa ito sakin? naglakad ba sya? eh ang layo ng bahay nila diba? Sumakay pa nga ako kahapon para lang makarating sa bahay nila.
"Tulala agad ng makita ako?"asar na sabi nito ng makalapit sakin napakurap naman ako tinarayan ito.
"Nagtataka lang ako layo ng bahay nyo tapos heto ka ngayon?"sabi ko napangiti naman ito ng nanunudyo ,tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Nagaalala ka? Baka mapagod ako? Yieee ikaw naman, crush mo talaga ako!"sabi nito sinundot pa ang bewang ko sabay na iniwasan ko.
"Crush agad? pweding baka masagasaan ka sayang naman wala ng matalino na sa room."sabi ko rito nangunot naman ang noo nito sa sagot ko at nagsimula na mag lakad. Malapit lang ang school ilang minutong lakarin lang.
"Konek?" Takang tanong nito.
"Si crush ko at ako may konek."sabi ko sumama naman ang timpla ng mukha nito natawa ako sa itsura nito.
"Sino naman crush mo?"asik nito sakin.
"Ikaw," saad ko nakinagulat nito at ngumiti naman ito na parang masaya.
"Kilig naman HAHAHA."dagdag ko na tumawa pa nawala naman ang masayang mukha nito at inirapan ako. Parang babae pwe!
"Crush mo ko eh." Asim na sabi nito.
"Kaya nga sinungaling ako HAHAH" sabi ko pa.
"Ewan ko sayo."ani nito na mabilis naglakad , tatawang humabol ako dito.
"Galit ka nyan?"tudyo ko dito panay sundot pa sa bewang nito.
Nang makarating kami sa school panay irap parin si Gio sakin natatawa nalang ako, parang bata amp. Nagtanong naman si Gina kong napano si Gio umiling lang ako at sumagot nasabi nagtampo sakin na di ko sya crush. Napatahimik naman si Gina like ano problema ng isang 'to?
"Gina natahimik ka?"takang tanong ko umiwas naman ito ng tingin at tumikhim.
"Ha? HAHAHA"pilit na tawa nito. Gusto kong mag tanong pero mukhang hindi yata ito kumportable kaya wag nalang.
"Javen!"tawag ni Gio napatingin naman ako sa gawi ni Javen at nakatingin ito kay Gina nangunot ang noo ko, nag away ba ang dalawa?
"Javen hindi daw ako crush ni Denise..."parang batang sumbong na sabi ni Gio kay Javen, parang di kumportable si Javen ngunit ngumiti ito at ginulo ang buhok ni Gio.
"Ako rin."rinig ko na sabi ni Javen napalingon naman ako kay Gina ngayon na hindi nakatingin. Mukhang alam ko na pero baka mali lang ako hindi na muna ako mag sasalita.
"Ang lulungkot nyo naman pero kailangan pa natin mag-aral tsk."sabi ko para mawala ang mabigat na atmospira sa paligid. Nararamdaman kong may something na naganap kina Gina't Javen mukhang yun rin ang dahilan bakit hindi sila pumunta noong linggo. Hindi ako sigurado tsaka labas ako sa kung ano man yun.
Noong recess naman inaya ako ni Gina na mag recess kasama ang ibang kaibigan namin na babae, pumayag naman ako mukhang iniiwasan nito si Javen. Sinalubong naman kami ng tatlo ngiti lang ang tinugon ko rito.
"Buti nandito kayo libre ni Tiffany!"masayang ani ni Alex mukhang masaya sa libre. Masarap naman talaga kapag libre.
"Anong mukha yan Gina?"tanong ni Alex na mukhang napansin ang napansin ko. Napakurap naman si Gina at pilit na ngumiti hinagis naman ni Fiori ang laman na popcorn na kinakain nya kanina. Napamuglat ako sa inasal ni Fiori kala ko mahinhin ang isang 'to, mali ako?
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)