CHAPTER 22

27 7 0
                                    

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Ma, juice."tawag ko rito at inilapag ang dun ang tray at isa isa inilagay ang baso na may juice sa harapan nila. Tahimik si Mama habang si Papa naman binigyan ako ng maliit na ngiti.

Ngumiti ako at tumingin sa mga bisita nito mukhang nakakaangat sa buhay base sa mga suot nito.

Iniwan ko sila dun ngunit hindi pa ako nakarating sa kusina ng narinig ko na ang mga bangayan sa pagitan nina Mama at ng bisita nila. Sumilip pa ako at inigihan na hindi ako makita. Masama daw makinig sa matatanda.

"Is that him?"tanong ng lalaking bisita nina Mama.

"Oo, sya ang anak ko."sagot ni Papa, napangiti ako, kahit naman hindi yun totoo hindi nila ako deniny nino man.

"HAHA, talking big Ysmar."nakaka-insultong tawag ng bisita na babae. Nangunot ang noo ko sa atmospira na namamagitan ngayon. Ang bigat.

"Hindi ako nag-patawa Opelia, walang nakakatawa."walang emosyong sabi ni Papa. Ngayon ko lang ito nakitang ganon.

"Kung hindi niyo pa inalam, hindi niyo pa malalaman."ganong lamig ng tuno sa boses ni Mama.

"That's bullshit, Reva."

"Alam mong hindi, ikaw Opelia ang nag iwan ng anak mo sa harapan ng simbahan nakita kita, hindi ko alam ganon kana pala ka despirada, mahabol lang ang lalaki mo tapos iwan ang anak mo rito."nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.

Iniwan? Simbahan?

"Hindi totoo yan! Ang lakas loob mo sagut-sagotin ako!" Hindi makapaniwalang habas ng babae.

"Bakit hindi? Nasa bahay naman kita?"taray ni Mama. Hindi ko alam pero natawa ako. Bars bij yun haha.

Dun lumabas na ako, nanahimik sila ng makita ako. Baka atakehin si Mama dahil sa mga bisita, ramdam ko ring hindi sila welcome sa bahay na 'to.

"Ma, ang lakas ng boses mo abot sa kwarto ko."biro ko rito. Tumingin naman ako sa mga bisita nila at tipid silang tinignan.

"Walang galang na ho, bukas nyo na kausapin ang mga magulang ko, gabi na ho, kailangan na ni Mama mag pahinga."ramdam ko ang matiim na titig sakin ng lalaking bisita nina Mama. Napakurap naman at ngumiti ng malungkot ang babae habang nakatingin sakin. Alam ko ang weird pero di ko pinansin yun.

"Anak..."rinig kong sabi ng babae.

"Wala kang karapatan."babala na sabi ni Papa.

Sabi ko na, sila yung biological parents ko. Hindi ako natutuwa na makita sila, kaya siguro ako ang pinaka masama na anak sa buong sanlibutan.

"Alam ko yun, narinig ko kayo kanina, pero pranka lang ako sa inyo, hindi ko iiwan ang pamilyang namulatan ko, pasensya na tulad ng sabi ni Mama kanina, ikaw na mismo nag iwan sa harap ng simbahan. Kaya naman kawalang man yun, pasensya na po. Pero kailangan nyo na umuwi."akmang ibunuka ng babae ang bibig nag salita ulit ako.

"Wag nito ring ginigipit ang mga magulang ko, kawalang utang na loob yun sa kanila kung kayo man ang totoong magulang ko." Salamat kay Denise.

"Narinig nyo ang anak ko."dagdag ni Papa. Walang imik ang lalaking bisita at may panghihinayang sa mata nito.

Hinatid ko sila sa pintuan hanggang sa labas. Malungkot ang mga mata nito. I feel bad. Hindi ko alam pero may kirot yun sa parte saking dibdib, siguro may pakialam ako. Hindi naman ako ganon ka sama.

"Hindi naman ako galit sa inyo kasi hindi ako ang nasa posisyon nyo no'n."Wika ko, natigilan ang mga ito, napatingin saakin ang babae. Lumuluha ang mga mata nito kasabay na tumawa.

Patakbong yumakap ito sakin. Kahit ang awkward ay tinugon ko ang yakap nito.

"I'm so sorry 'nak."umiiyak na bulong nito. Tahimik ako ganon rin ang lalaki na kasama nito.

Nang makabawi ito ay nginitian ako nito at kumaway na at sumakay sa mamamahaling kotse nito. Nang maka layo ito dun na ako kumaway.

Pumasok muli ako sa bahay nadatnan ko dun si Mama kayakap ni Papa. Mukhang may binubulong si Papa kay Mama. Napangiti ako sa nasaksihan, walang kupas talaga ang samahan ng dalawang 'to.

KINABUKASAN ay pumasok ako tulad ng dating gawi ay mag mo-motor hanggang makarating ako sa talyer at mag lalakad para masabayan si Denise. Baranggay kasi ang agwat namin, tsaka ang boring kaya kong walang Denise.

"Oh, tulala ka?"tanong ko rito, hindi rin ito umiimik parang may sariling mundo. Parang ako lang no'ng nakaraan.

"Parang may tinatago si Mama, Gio."anito. Tumango naman ako para senyales na nakikinig ako.

"Alam mo Denise, lahat ng bagay may dahilan tsaka sigurado ako may dahilan kung bakit may tinatago si Tita.

Napangiti naman ito, "tama ka."

Nang makarating kami sa school ay nakikita na namin ang mga nag de-decorate ng mga recycled na things dun. Mukhang malapit na talaga ang Sci-Math pageant. Kinakabahan, syempre pero mas kinakabahan ako kay Denise. Lalo na't first time nya. Sabi pa nga nya bobo sya.

"Gio, bwesit ka kasalanan mo 'to!!!"sigaw nito sakin ng makarating kami sa school, natawa naman ako dahil alam ko kung bakit.

"Nananakit."nakangusong reklamo ko.

"Kayong dalawa ang aga."asik ni Javen.

Mukhang dumaan, inikotan ko naman ito ng mata, natawa pa yung kasama nya, si Gina.

"Kayo rin ang aga-aga mag kasama na kayo."asik pabalik na sabi ni Denise. Attagirl.

"Ready kana matalo Gio?"tanong ni Gina. Natawa ako sa sinabi nito, hindi talaga ako nanalo sa mga ganito kasi bata pa ako non ewan ko lang ngayon.

Si Gina rin kasi malakas sa crowd, ewan ko sa kanya kong binayaran nya mga tao, di joke lang hehe.

"Tignan natin." Kibit balikat kong sagot.

"Ikaw Denise?"tanong nito sa katabi ko. Tinignan muna ako nito ng masama, kasalanan ko na naman?

"Sa tingin mo mananalo ako? Sa bobo kung 'to?"nagulat pa kunwari si Denise tawa pa ako, pero tinignan nya na naman ako ng masama kaya tumigil ako.

"Ako nga rin Kira e, pero confident ako, kasi gwapo ako!"mahanging sabi ni Javen, nakita kong sumama ang mukha ng dalwang babae.

"Akala ko rin Javen, na gwapo ka."asar ko, sinipa ako nito sa paa. Napaiigik ako at nakangusong tumingin kay Denise at parang batang nag sususmbong na tinuro si Javen.

Nakita ko namang tinaasan ng kilay ni Denise si Javen, nag tago pa nga itong si Javen sa likod ni Gina.

Bakla talaga tsk.

Nag paalam na ang dalawa, excuse kami ngayon dahil kandidata kami kailangan ayusin ang preparation. Naging busy rin kami dahil sa pag study sa mga possible questions. By grade level naman daw ang competition, bale grade 7, 8, 9, 11, 12 ang mga kalaban namin.

O, diba?

Si Denise talaga ang panay aya na mag study, kasi mas mabuti raw na may sagot kaysa wala. Malay mo diba, yung lumabas na question alam mo kasi nag study ka. Panalo pa.


-nag-update ako kasi masaya ako:>



-K.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon