"Dyan ka nakatira?" Tanong nito sakin napatingin naman ako rito at sinulyap ang bahay hindi naman mukhang hunted house yun ba't sya nag tatanong.
"Oo."
"Ang laki sanaol mayaman." Sabad nito. I sigh in disbelief in what he said. Kami mayaman? Nah pamana lang yan kay Mama na bahay nag iisa lang naman syang anak.
"Parang di mo kabisado dito ah." Takang sabi ko.
"Hindi ko talaga alam kong saan bahay mo tsaka sa daan lang kita nakikita 'no hindi ko akalain na dito ka pala." Ani nito tumango nalang ako.
"Teka 'san ba bahay nyo hatid nalang kita." Sabi ko. Narito kasi ang kotse kaya alam kong nandito si Mama nasanay na siguro akong ganon.
"Luh parang tanga hinatid na nga kita dito ihahatid mo pa ako tsk. Abnoy!" Ani nito na kinadilim ng paningin ko. Mag pa EO na kaya ako dumadalas yata dilim ang mata ko haysst.
"Sige inggat." Sabi ko at hinatid ko nalang ito sa tingin.
KINABUKASAN nagkaroon kami ng formal na sweepers dahil wala pa talaga kami non mga random students lang sa room ang nag swesweep. Napunta naman ako sa Friday hindi ko alam kong anong day si Gina. Nararamdaman ko na ring nagiging feeling close na itong si Gio hindi narin ako naiilang halos araw araw ko nang nakikita ang pag mumukha nito.
Iniba rin ni Ma'am ang chair arrangements pero hindi naman kami binawalan kong saan kami uupo ang kaibahan lang ngayon sa dati ay apat na kada row hindi na lima tulad ng dating row. Nahati rin sa dalawang grupo ang chairs the left and right nasa left kami malayo sa pintuan pero malapit sa bintanang salamin.
"Kira dito tayo umupo dali!" Sabi ni Gina sakin at tinuro ang gilid na upuan mukhang kilala na talaga ako nito alam kung saan gusto ko.
"Luh gusto ko gilid eh." Reklamo ni Gio nasa harapan ko pala sya? Hindi ko nakita.
"Hanap ka." Walang pakialam kong sabi wala trip ko lang mag sungit ngumuso naman ito na kinakunot ng noo ko. Akala nya siguro cute sya 'no? Para syang tanga tsk.
"Sungit." Ani nito na umupo sa tabi ko tumingin naman ako dito ng tataka.
"Ba't yan ka umupo?"
"Sabi ng pwet ko eh." Abnong sabi nito na kina bwesit ko. Ako naman ang nabara punyeta.
"Dyan uupo si Gina." Sabi ko pa.
"Hindi eh sinabi ko sa kanya sa tabi moko."
"Weh asan sya?" Paninigurado ko.
"Nasa SSG ano samahan pa kita eh." Aya nito na inirapan ko.
"San sya uupo?" Tanong ko.
"Sa gilid ko malamang."Pamimilosopo nito binatukan ko naman ito ang duga sumagot eh.
Inayos ko naman ang gamit ko at kung anong atras abante para maging kumportable ganon talaga ako kapag bago ang posisyon na inuupuan ko.
"Kwento lang muna tayo wala pa namang teacher eh." Sabi ni Gio kunti na noong tumingin ako sa kanya.
"Ano ka babae?"sabad ko.
"Umm laro nalang tayo wag kang KJ dyan di ka maganda hmp." Inirapan ako nito na kinataas ng kilay ko.
"Bakla ka ba?"di ko mapigilang tanong.
"Hoy! Hoy! FOUL yan!"awat nito sa mga sasabihin ko.
"Tatanong lang."sabi ko pa.
"Hindi ah! Gusto mo ulitin ko yung tinulak tayo ni Javen?"hamong sabi nito nakinalaki ng mata ko. Naalala ko pa!
"Luh? Ano ka bali?!" Tarantang sabi ko rito sabay tulak sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)