"Tayo na talaga?"tanong ko ulit. Tumango naman ito at nginitian ako at kinindatan pa pagkatapos. Shocks puso ko jusko!
Pauwi na dapat kami pero gusto ni Gio mag lakad-lakad. Sa parke syempre. Hindi ko akalain seryoso si Gio sa sinabi nito tungkol sa pagka 'panalo' nya.
"Jowa na nga kita... walang bawian." Anito. Bilis ng lalaking 'to. Pwedi muna 'courting' bago 'relationship'.
"Di ka pa nga nanliligaw..."bulong ko. Tumawa naman ito mukhang narinig ang sinabi ko.
"Kailangan pa ba yun?"pabirong tanong nito. Ngumuso ako rito, pabiro nitong pinisil ang ilong ko. Bago inakbayan ako at ginaya para lalo kaming mag dikit. Napalunok pa ako sa hiya, di naman ganon si Gio.
"H-Hindi ko pa naranasan yun...gusto ko kasi yung ideya ng may manliligaw parang Marcus at Emilda lang?"napangiti ako habang usal yun. Kahit matanda ang salitang 'ligaw' pero ang sarap siguro sa pakiramdam.
Sa sinabi ko tumango tango naman ito na parang gets niya. "Ahh kaya pala... wag ka mag alala liligawan parin kita."
"Parang Marcus... tayo na pero kahit ganon liligawan parin kita araw-araw."wika nito at kumindat pa sakin. Kala nya cool pesti.
"Tsaka okay kana ba?"pag-iba nito sa topic. Sa lahat ba naman ng topic yan ang naisip nya. Nag mo-move on na nga ako e diba?
"Oo salamat, gusto bombahin ko bahay nyo? Ha? Pinaalala pa e."singhal ko rito, sinipa pa ang binti nito sa inis. Sa halip na tumawa ang binata hinawakan ni ang kamay ko at umupo sa gilid ng magkasama
"Alam ko naman na di ka okay e."pabulong na wika nito. Tama siya, disappointed siguro ako sa nangyayari. Hindi naman ako nag assume pero nag handa ako kasi unang beses ko lang yun mararamdaman syempre naroon rin ang lungkot.
Iniwasan kong malungkot sa harapan nito. "Alam mo naman pala ba't nag tatanong kapa ha?"
"Gusto ko mismo galing sa bibig mo at sabihin mo sakin ng harap harapan."sensirong sabi nito sakin, nakatitig ng deritso sa mata.
"D-Di ako okay...." napalumong wika ko. Malungkot naman talaga ako, medyo umasa akong mananalo ako o di kaya aabot sa top 10. Disappointed ako sa sarili ko, hindi ko alam kong saang parte.
"Sabi ko na e." Hindi ako kumibo ng ilang sandali, kinuha naman nito ang korona sa paperbag na dala at isinuot yun saakin.
"Yan... ikaw ang Hari ko." Ano daw?
"Ha? Anong hari? Nakita mong babae ako."asik ko rito. Ngumiti naman ito sakin at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko at matiim akong pinagmamasdan bago ngumiti muli. Para syang tanga... na gwapo.
"Ikaw ang Hari ko, Denise. Ako ang Reyna." Wika nito derikta sa mata ko. Napakurap ako at walang sariling napalunok.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Ibig sabihin non ako ang pro-protekta sayo... Denise. Ako lahat, ako ang gagalaw maging masaya ka lang. Ang Reyna ang mag papasaya sayo. At ako ang Reynang yun."
Mama ang landi...."Parang baliktad." Iwas tingin kong sabi. My heat is beating darn fast. Ohmygod.
"I like you like chess Denise and I'll be your queen."
SEM-BREAK na, yun ang sabi ni Ma'am kahapon, in the next two weeks walang klase. Last day nalang namin 'to. Nag hihintay ako kay Gio ngayon, gusto kong sumabay papuntang school.
Isang buwan na rin kaming mag on. At isang buwan naring sweet itong si Gio. Hindi kumukupas halos magkalat na sa buong campus. Mas naging kilala talaga itong si Gio pagkatapos manalo sa Sci-Math.
At marami ring nagkagusto, no'ng una hindi pa nila alam na jowa ko itong si Gio. Halos maraming dumadaan na mga istudyante sa room namin para lang silipin si Gio sa loob. Kaya naman itong si Glenn ina-nounce sa mga admirers ni Gio na ako ang jowa. Without knowing na ako nga.
Nang malaman nilang legit yun mas kumalat pa. Minsan pinaguusapan pa akong, nilandi ko daw itong Gio na 'to. Without knowing rin na si Gio ang lumandi sakin. Pinikot nga lang ako para maging jowa niya e!
NANG mag recess na ay inaya agad ako ni Gio lumabas para bumili. Sakto naman nasa pwesto sina Gina at ang iba pa. Kasama sina Rence? Si Jethro parang di na ako nabigla. Si Camden nalang siguro ang kulang.
"Yo!"bati ni Gio sa nakaupo, tumango ang iba at kumaway bilang tugon.
"Dikit na dikit ka talaga Gio ano?"pang asar na wika ni Javen.
Gio chuckled. "Atleast diba nakakadikit e ikaw?"
Natawa naman sina Alex at Tiffany sa naging mukha ni Javen mukhang napikon sa wika ni Gio.
"Anong gusto mo? Ako na bibili."tanong ni Rence kay Fiori. Nakita ko naman ang mataray na tingin ni Fiori sa lalaki at inirapan ito na di sumagot. Bumuntong hininga ang lalaki at bumalik sa pagkakaupo.
Di talaga ako sanay na mataray si Fiori.
"Ikaw babe ano sayo?"bulong nito sakin. Agad ko naman sinabi na fishball trip ko agad naman itong tumayo kasama ng ibang lalaki. Tinignan naman kami ng masama ni Alex.
"So, ano ako rito? Third wheel nyong apat? O kaya fourth wheel diba? Sinong bibili para sakin kung ganon ha!? Wala akong jowa mga hayop kayo, lalandian pati sa canteen."singhal ni Alex samin. Oh shit I forgot, single pala sya.
"Pasensya na."sabay naming sabing apat.
"Godbless?" Patanong na wika ni Fiori sa inosenteng boses unlike kanina 'mataray'.
"UWI na ba tayo agad?"tanong ni Gio sakin, napaisip ako.... bakit hindi kami mag date? Halos hindi kasi public places ang date namin. Ayaw ko kasi sa matao kaya naman pinagbigyan ako rito.
But this time I would do the favor.
I smiled at him and grinned. "Date tayo?"
He stunned and look at me with widen eyes. He seems shocked.
"Nakakagulat ka naman Denise." Anito na hinawakan ba ang dibdib at huminga ng malalim. "Papatayin mo ba ako sa lakas ng tibok sa puso ha? Aish." Hinilot pa ang parte ng dibdib nito.
Natawa naman ako sa itsura nito. "Bakit naman?"
"Wag kang ngumiti! Ang sungit mo kaya!"singhal nito sakin at tinakpan ang mukha ko. Abnoy talaga tsk.
"Ayaw mo?"
Napatitig naman ito sa mukha ko at kumurap ng ilang beses. "G-Gusto..."
My face lit up at grabbed his arm. "Tara date!"
AMUSEMENT PARK kami nakarating, namangha naman ako sa laki ng ferris wheel mas malaki ito kaysa dati. Gusto ko masubukan yun.
Sakto naman nadaanan namin ang nagtitinda ng cotton candy. Bumili agad ako non at tulad ng nakasanayan share kami ni Gio.
"Anong uunahin natin?"tanong ko rito habang kumakain ng cotton candy na binili. Agad naman nito na-ispotan ang claw machine. Ngumisi ito at pakunwaring nag warm up, feeling kaya.
"Easy 'to psh."mayabang na wika nito.
"Talaga ba? Sa teleserye lang madali makakakuha, pero sa totoong buhay HINDI." pang-asar na wika ko mukhang mas lalo itong nabuhayan para mag laro.
"Oh sige kapag may makuha ako kiss mo ko, pag maliit sa cheeks mo ko i-kiss at kapag malaki sa lips okay?" He said it with okay sign. I smirked at him and nodded.
"Ready?"tanong ko.
He grinned. "Yes, ready to play and to be kissed ofcourse."
As if! You wish!
-K.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)