"Diba kayo ni Rence? Tapos, crush pala ni Fiori si Rence? Eh ex mo yun diba? Okay lang sayo?"Hindi makapaniwalang tanong ko kay Gina.
Umiling muna ito bago nilunok ang pagkain. "Gago, break na naman kami."
"Kaya nga di yun awkward?"sumali pa si Tiffany na tsimosa rin. Tumango tango pa si Alex. Wala kasi si Fiori, absent daw.
"Oo nga, break na kami ano ba!?"asik nito samin.
"Oo na, break na kayo pero di ba jowa kayo dati tapos crush sya ni Fiori, kaibigan ka ni Fiori tapos ex mo yun."Pag pupunto ko, bumuntong hininga ito bago tinignan ako ng masama.
"Aish! Ayos nga lang na crush ni Fiori si Rence. Kasi nga pinsan ko yun," di ko gets.
"Nakakadiri, pero, pinsan ko si Rence tapos naging kami, nakipag-break agad ako ng malaman yun." nandidiri ang mukha nito mukhang naalala.
Gulat naman kaming tatlo, gago LT. Hanggang unang umalingawngaw ang tawa ni Alex hanggang tatlo na kaming tumawa.
"Muntik na HAHAHA" -Alex.
"Manahimik ka!"asik ni Gina rito.
"Pinsan mo pala kala mo poreber HAHAHA gago ka Gina!"tawang tawa na sabi ni Tiffany sabay hampas pa kay Gina. Si Gina naman mukhang iritado.
"Anong tawag dun? Yung pamilya lang yung na tuhog?" Tanong, tawa ni Alex.
"Family Strip?"si Tiffany una sumagot.
"Family Strike yata yun?"si Gina na sumagot iritado parin.
"Gago mali!"-Alex.
"Stroke?"Patanong na sambit ko. Nanlaki ang mata ni Alex at tinuruturo pa ako, mukhang tama ako.
NAPAISIP ako sa pinag usapan namin kaninang lunch. Yung tungkol sa Family Stroke, pano pala mag kamag anak kami ni Gio?
Parang ang layo naman...
Pauwi na kami ngayon pero hindi parin umiimik si Gio. Di naman sya ganito, may nangyari yata. Hindi rin ito tumingin sakin, parang may sarili syang mundo ngayong araw. Lutang rin sya ngayon.
"Gio, okay ka lang?"
Hindi parin ito sumagot, nangunot ang noo ko. Ang tahimik nya nakakabingi at nakakainis!
"Gio?" Tawag ko muli.
"Gio!" Sa sigaw ko napakurap ito at tatakang tumingin sakin.
"Ba't?"tipid na tanong nito.
May problema nga...
"Di mo ko kinakausap, ang tahimik mo rin."sabi ko.
"Ah, ok." Naiirita ako.
Yun lang?
Hinablot ko ang pulsuhan nito at hinila ito papasok sa park, tahimik lang ito at nag paubaya. Nakarating kami sa tambayan namin, sa gilid kung saan tahimik. Lutang ito, tahimik, ayaw mag salita at parang may malaking problemang pasan.
"Bakit di mo simulan mag salita?"taray ko rito, naiinis na talaga ako. Umangat ang paningin nito saakin at tinignan ako ng nanghihina. Ganon ba yun kalala?
"Ayos lang naman ako, wag ka mag alala."anito. Hindi parin ako naniniwala wala dun. Hindi ako mapakali sa sagot nito.
"Naiirita na ako Gio, sabihin mo sakin, hindi talaga kita pa pansinin bukas ta 'mo." Babala ko rito. I don't bluff and he knows it.
Bumuntong hininga ito at tinignan ako inilahad nito ang kamay saakin, tinanggap ko naman at iginaya ako nito paupo. Hindi ko tinanggal ang paningin ko rito, ganon rin ito.
"Pasensya na, nag alala kapa..." nagtataka ako sa kinikilos nito. Bakit hindi nya nalang sabihin sakin.
"Gio..."
"Alam mo Denise, nalaman kong a-ampon ako."walang humor na tawa nito. Napakurap ako sa sinabi nito, ni hindi ko naisip yun. Parang hindi ampon si Gio, kung gaano sya ituring ng pamilyang kinagisnan nya. Parang ang imposible naman.
Hindi ako nag salita at isinandal nito ang ulo nito sa balikat ko, hinayaan ko ito. He must be sad on that.
"Tapos nalaman ko ring ginigipit ng tunay kong magulang sina Mama."dagdag nito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."narinig ko itong humikbi, parang kumurot ang puso ko dun.
Si Gio ang tao na laging naka ngiti, hindi ko rin inakalang sakin sya iiyak, minsan lang umiyak ang mga lalake kung ganon man ay ganon ka halaga ang iniiyakan nya.
"Nandito lang ako."bulong ko, hindi tumingin sa mukha nito habang hinayaan itong naka sandal sa balikat ko.
"Alam ko, pero, problema ko 'to kaya sakin 'to."sagot nito.
"Umiiyak si Mama gabi alam mo ba yun?"mapait itong napa ngiti habang sabi yun.
"Kasi, baka daw kunin ako ng magulang ko... yung magulang na iniwan ako." Punong hinanakit na sambit nito. Hindi ko alam ang pakiramdaman non pero alam kong masakit yun dahil ganon nalang ang sakit sa boses ni Gio.
"Ayoko sa kanila, ba't ba ako nila hinanap, ang saya ko na nga e." Humikbing sabi nito.
Hinagilap ko ang balikat nito at iniharap ito sakin. Sinakop ko ng magkabilang ang mukha nito at matiim itong tinignan sa mata.
"Kung ayaw mo, edi wag, masaya kana e, dun kana sa masaya, dun ka sa kumpleto ka Gio. Wag kang mag pasindak sa takot baka, kunin ka nila, o baka mawala sila sayo, kung dun ka masaya edi, ilaban mo yun." Deriktang mata kong saad rito.
Bakas ng luha ang mata nito, namumula ang mata pati narin ang ilong. Napangiti ito sa sinabi ko, walang ano man ay niyakap ako nito ng mahigpit. Napangiti ako dahil dun, may mahinang parte pala sa katawan ni Gio.
"Sabi ko sayo andito lang ako pero di mo sinasabi."birong sabi ko. Tumawa naman ito, mukhang maayos na ang pakiramdaman nito.
"Salamat, kailangan ko yun."anito na kinangiti ko. Big baby hayst.
"Walang anuman, ako pa."sabi ko rito ng malumanay at hinalikan ito sa noo at niyakap muli. Unang beses ito saakin na nag sabi ng pansariling bagay si Gio, at masaya ako dun dahil pinag katiwalaan nya ako.
"Tara na?"tanong ko tumango naman ito at sabay na tumayo. Tulad ng dati buhay na ulit ang kakulitan nito na namimiss ko.
NAKAUWI ako sa bahay ng magaan ang pakiramdaman, tama si Denise kung gusto ko may paraan. May isip naman ako, may isip rin ang magulang ko. Kaya na namin yun.
"Ma? Nakauwi na'ko?"tawag ko kay Mama, mostly kasi sinasalubong nya ako.
Pero iba yata sumalubong sakin.
Taong hindi ko kilala, minsan man sa buong buhay ko. Nakaupo ito sa sofa kasama sina Mama't Papa.
"Ma? Kumain na kayo?"lapit ko rito, mukhang seryoso ang pinag uusapan nila e, mabigat rin ang atmospira.
"Ahh, kumain na ako 'nak, ikaw ang kumain nasa kusina ang ulam, help your self" anito , hinalikan ko ito sa pisngi at tumango at tanging ngiti lang ang binati sa mga bisita bago pumuntang kusina.
Kumain muna ako tulad ng sabi ni Mama nasa kusina ang ulam. Nang matapos akong kumain, nag timpla ako ng juice para na rin sa bisita nila Mama, nakita ko kasing wala e.
Hindi pa ako makarating sa sala ng marinig ko ang usapan nito.
"Give me my son back, and I'll end it."
-K.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)