CHAPTER 5

56 12 0
                                    

"Luh mag-isa lang ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko. Sweepers namin ngayon pero parang 'sweeper' lang yata nilagay dun e mag isa lang naman pala ako eh! Sa lunes talaga makakatikim sila sakin arggg!

Walang tao maliban sakin magisa lang talaga yata ako sa buhay. Nangiiwan mga kagrupo ko punyeta. Wala akong nagawa kundi mag simula na mag linis Friday ngayon kaya schedule ko.

"Wala naman ata yun rito eh." Rinig ko sa boses ni Gio may pinulot kasi ako kaya mukhang hindi ako nito nakita mukhang may hinahanap rin ito.

"Oh Gio may hinahanap ka?" Napatalon naman si Gio sa gulat na kinatawa ko.

"San san kana sumusulpot Denise ho!" Sabi nito na nakahawak pa sa dibdib nito.

"Ikaw talaga hinanap ko." Sabi nito ng deritso.

"Ahh bakit?"

"Di ka sumabay e malamang hahanapin kita." Asik nito sakin na parang kasalan ko. Lihim ko ito inikutan ng mata tss.

"Sweepers namin ngayon." Sabi ko rito. Tumango naman ito at nilagay ang bag nito sa pinaka malapit na upuan napakurap naman ako ng tinulungan ako nito sa mga upuan.

"Hoy anong ginagawa mo?"

"Tinutulungan ka."Sagot nito.

"Wag na." Baka nakakaabala ako tsaka hindi nya naman sweeper eh.

"Mag isa kana nga lang humihinhindi kapa tsk." Asik nito tinikum ko nalang ang bibig ko.

Nang matapos kami dun ay sabay na kaming lumabas at sinarado ang room. Malapit naring dumilim pero siguro nakauwi ako non madilim na kung hindi tumulong si Gio.

"Hoy salamat ha?" Sabi ko rito.

"Oo naman ikaw pa."

Napangiti ako dun may nakasalubong naman kaming lalaki mukhang taga rito lang rin at kilala nito si Gio nag handshake pa ito.

"First time mo late umuwi ah?" Sabi ng lalaki. Good boy pala itong si Gio? Hindi ko alams HAHAH.

"Tinulongan ko kasi si Denise eh." Tumango naman ito tinignan ako ngumiti naman ito na nagpakita ng kanyang dimples.

"Hi Jethro single." Ani nito nilahad ang kamay sa harapan ko. Hindi ko yata gusto ang ngiti nya at introduction nya. Babaero dating.

"Hoy joke lang HAHHA ginaya ko lang si Camden hehe." Anito ngayon iba na ang awra nito. Bagay mag artista ang lalaking 'to kaya nyang ibahin ang visuals nya.

"Lalandiin mo pa si Denise eh asaw---" hindi ko na pinatuloy ang sinasabi ni Gio mabilis kong inapakaan ang paa niya.

"Ha? Ano?"

"Alam mo Gio pagod kalang." Sabi ko.

"Una na kami Jethro nice meeting you tsaka Kira ang pangalan ko hindi Denise sige bye." Dagdag kong sabi at hinila palayo si Gio panay reklamo na masakit ang paa. Hindi ko naman nilakasan yun ah? Ang OA ng isang 'to.

"Sakit non Denise." Sabi nito.

"Hindi ko naman nilakasan ah OA mo." Kunot na noong asik ko rito.

"Kiss mo para mawala." Ani nito ngumuso pa tinulak ko naman ang mukha nito. Narinig ko itong tumatawa tsk abnoy.

"Abnormal."

"Ikaw rin naman." Tumaas ang sulok ng labi nito pag katapos sabihin yun.

"Denise asan na pala Papa mo hindi naman sa chismoso ako pero hindi ko nakikita ang Papa mo sa bahay nyo."ani nito. Tama ito matagal nang wala ang Papa ko sa puder hindi ko alam ang nangyari sa kanila ni Mama pero ayaw ko ring mag tanong.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon