Ang masasabi ko sa project naginawa namin ngayong araw ay walang kwenta, hindi naman sa panget ang output namin ang problema ay yung istyudyante which is kami. Akala ko gagawa kami ng project tulad ng napag-usapan pero wala nganga yun pala tumambay lang kami sa bahay nila Gio. Ang galing sabi ng gumawa ng project pero tumambay lang pala, ang galing talaga!
Hindi rin ako sanay sa ganito kasi sa dati kong school gagawa't gagawa kami ng project agad para pag malapit ng pasahan naka polish na ang output pero ito isa yata 'to sa scam ng buhay ko. Si Gina natutulog sa couch walang hiya 'di man lang nahiya sa may-ari pero mukhang sanay na si Gio na ganon si Gina. Si Javen naman naglalaro ng ML sa phone kasama si Camden may kalayuan ang kay Gina. Ang iinggay nila, kanina pa ako naiinis dito sa tabi unang-una wala akong kausap pangalawa hindi ko alam kong nasaan si Gio dahil mukhang inutusan ng Ate nya.
Ano naman gagawin ko? Scroll sa FB? di kaya gumawa ng project mag-isa? diba nga di ako nakinig?! bakit kasi di ako nakinig!?
"Guys gutom na kayo? May dala ako kain tayo?" patanong na aya ni Gio na kakarating lang. Ang dalawa namang nalalaro sa gilid bigla nalang tumayo at parang kiti-kiting lumapit kay Gio nagising rin si Gina hindi na nag dalawang isip napumunta agad sa lamesa at umupo sa isang upuan dun. Napaiiling na lamang ako , wala na nga kami ginawa kumakain pa kami? hays.
"Di ka ba kakain Kira?"inosenteng tanong ni Gina na sumusubo na ng pagkain.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili kong gutom na ba ako, hanggang kumalam nga ang tiyan kong mukhang gutom na rin. Tinungo ko naman ang mesa at umupo dun sa isang bakante hindi na ako nag inarte pa at kumain ng pagkain na nakalagay sa mesa ganado rin ang mga kasama ko, mga walanghiya. Tsaka sino ba 'tong Camden na 'to? Kanina pa ako nagtatanong rito wala namang sumasagot ang gago lang.
"Kala koba gagawa ng project ha?" asik ko sa kanila natigilan naman ang tatlo sa pag subo maliban kay Camden na walang alam. Napakamot naman si Javen sa batok at tumawa ng alanganin.
"Ah--ganito kasi yun Denise.."
"---iza prank!" putol ni Gina sa sinasabi ni Gio. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Gina, like really?
"Kira ang seryoso mo naman sa buhay." sabi ni Camden pero nasa pagkain parin ang atensyon nito.
"Walang seryoso samin e, ako nalang." sabi ko rito. Tumango tango naman ito at hindi na kumuntra pa kumain naman ang tatlo na parang walang nangyari o wala akong sinabi man lang. Ang tatamad jusko! Kahit pa bobo ako at tamad minsan pero hindi naman ganito na matutulog sa bahay ng tropa tsaka maglalaro. Hindi ako sanay , wala rin ako makausap kasi saan-saan lang si Gio napapadpad at nawawala ng parang bula jusmiyo!
"Gio." tawag ng kung sino sa likuran ko napatingin namanang lahat kung saan galing ang boses na yun. Si Ate Yasmin pala nakakatandang kapatid ni Gio.
"Te?"
"Alis muna ako? yung kalat nyo ha?"paalala nito tumango naman si Gio hanggang makaalin na nga ang Ate nito.
AFTER namin kumain tulad ng kanina nag bakasyon na naman ang mga pwet namin sa sofa pero nagsalita ako para naman masimulan namin ang project. "Alam nyo pumunta tayong bayan tapos bili tayo ng mga gagamitin sa project." siwisyon ko. Umunggol naman si Gina naparang tinatamad na naman.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)