"Sakin lang yang mata mo..."anito.
"O, edi sayo na."sabi ko pabirong kinulikot ang mata ko. Natawa naman si Fiori. Sumama ang mukha ni Gio. Kala nya sweet yun? Duh sweet nga...
"Sira pa ang banat Haha."tatawang wika ni Camden. Tinignan naman ito ng masama ni Gio.
"Saan ka nga nag-seselos?"asik ko rito. Tinuro nito si Camden. Bumuntong hininga muna ako bago batukan si Gio. Nag selos pa abnoy talaga.
"Aray ko naman Denise."reklamo nito hinimas pa ang parte na binatukan ko.
"Eh, bobo yan."sabi ko rito. Agad naman nag reklamo si Camden sa sinabi ko. Rinig ng ugok.
"Hoy! Foul ka! Nang hahampas ako ng babae baka akala mo Kira! Maka-bobo 'to parang hindi rin bobo tsk.!"
"Totoo naman Camden."Sang-ayon ni Alex. Tumango tango pa si Fiori.
"Ang sama nyo! Naging masama na kayo sakin kasi hindi na ako dito nag aaral! Hmp!" Tampo pa na sabi nito.
"Kahit naman dito ka sa paaralang 'to di ka naman nag aaral. Tulog lang ambag mo." Sabi pa ni Gio. Natawa naman kami. Bars gago.
"Hindi na kita kaibigan Giovanni! Pesti ka! Matalo ka sana!"singhal nito kay Gio. Sakto naman dumating si Gina at Javen.
Agad naman nag salita si Gio. "Akala ko ba Javen mananalo ka? Ha? Diba gwapo ka?"
Mukhang naasar naman si Javen. "Madaya sila! Hindi nila nakita ang kagwapohan ko!" Sigaw nito samin.
"Sos, bobo ka talaga pre aminin mo na kasi." Sabi ni Camden. Inirapan pa nito.
"Wow! Sanaol sayo! Talino ka?"Asar na wika ni Javen. Natawa naman si Gio.
"Ako Oo."singit ni Gio. Tinignan naman sya ng masama ng dalwang lalaki. Itinaas pa ni Gio ang dalawang kamay bilang pag suko at hinawakan ang pulsuhan ko at ginaya kong saan.
"Tara na, kain na tayo, nagugutom nako." Wika ni Gio at inakbayan ako sa leeg at naglakad palabas ng gymnasium.
"Kailan daw ang balik?" Tanong ko rito.
"1:30 mamaya."sagot nito. Ahh.
"Kumusta? Mahirap?"tanong ko rito umiling naman ito at ngumiti sakin.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko rito.
"Dun tayo sa Gelo's." Wika nito. Tumango ako, masarap dun may kalayuan lang. Pero may motor naman ang bugok kaya ayos lang.
"Sakay na."wika nito, sumakay ako agad. May helmet naman kaming dalwa kaya ayos lang siguro. Nang makarating kami dun medyo marami pero hindi puno. Masarap talaga dito di ko sila masisisi. Madalas kami ni Gio pumunta dito halos isang taon na rin. Kilala na nga kami ng may ari dahil sa mukha namin.
"O Kira, Gio pasok." Wika ni Ate Lesel serbidora dito. Pinsan nya ang may ari nito. Ngumiti lang ako ng tipid at pumasok.
Napatingin samin ang mga tao dun. Sink ba hindi. Itong mga buhok namin puro naka ayos. Tsaka pareho kami ng damit ni Gio. May jersey sa ibabaw. Yung jersey kanina sa pageant sa kanya naman yun kaya nya sinuot. Tulad ko may ilalim rin yun na damit at jersey ang ibabaw at naka cargo pants uni-sex naman kasi yun.
Couple shirts amputs.
Hinawakan naman ni Gio ang kamay ko at iginaya ako sa gilid. May nakatingin paring iba samin hindi ko nalang pinansin. Bakit kasi gaya gaya ang lalaking 'to? Tsk. Originality none talaga.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)