CHAPTER 19

26 9 0
                                    

"Nag away kayo? Legit?"paulit-ulit na tanong ni Gina sakin. Hindi ko kasama ngayon yung bago kong kaklase. Jekkon yata pangalan ng isang yon.

"Kakasabing 'oo paulit-ulit ka Gina."asik ni Alex sa kaibigan. Habang ako parang nanghihina ako hindi ko alam pero sa tingin ko dahil hindi ako pinapansin ni Gio. Dahil lang hindi ko naalala yung araw na yun. Ganon ba yun kahalaga sa kanya?

"Tigilan nyo na nga si Kira, depressed na nga yung tao tapos tinatanong nyo pa."saway sa kanila ni Tiffany. Hindi ko magawang makipag usap sa kanila. Tinatamad ako parang dati? Bakit parang bumalik sa dati ang routine ng buhay ko?

Ganon na ba ka inggay si Gio? Para mamimiss ko?

Nakakainis namimiss ko ang isang yun habang sayang saya na wala ako kasama si Coreen at mga kaklase ko. Hindi ako ngayon sumama kay Jekkon kasi di ko naman trip. Mas madaldal pa yun kay Gio e.

"Kira? Hoy! Gagi, nag bell na tapos na Recess!"natauhan ako sa sinabi ni Alex. Napakurap naman ako hindi na sumagot at naunang bumalik sa room.

Malapit na ang Sci-Math pageant pero heto hindi nya parin ako pinapansin. Bwesit! Nakakainis! Punyetang depungal yun! Hindi ko na talaga papansin yun kahit pa magsisi sya!

"Denise."

Napaangat ang tingin ko, tanging si Gio lang ang tumatawag sakin 'non. Parang gusto yatang lunokin ko mga salita ko bwesit!

Pero sa paraan ng pag tawag nya hindi tulad ng dati. Parang mas cold ngayon? Bakit kasi nauso pa yang 'tampo-tampo' na yan!

"Ba't?" Sagot ko. Tinawag nya ako e.

"Practice ka daw mamaya ng walk sabi ni Glenn."sabi nito na hindi na nadugtungan. Pesti.

"Oh, ok." Gusto nya pala cold, ayoko ng sumusuyo tsk. Mas mataas pa pride ko sa flagpole. Bahala sya. Tsk.

Pagtapos 'non umupo na ito sa tabi ko parang walang nangyari. Kahit si Gina at Javen nag uusap wala parin kaming imikang dalawa. Kung mataas ang pride ko ganon rin ito.

Napasulyap ako rito, nataranta naman ako ng maabutang nakatingin rin to sa akin. Mukhang nagulat rin ito ng mag tagpu ang tingin naming dalawa. Mabilis naman agad itong lumihis ng tingin para bang ang panget ko. Punyeta.

"Mag uusap na yan yieeee."

"Soss... tampo pa yieee."

Hindi ko nalang pinansin ang mga salita ni Javen. Bahala sya sa buhay nya. Mamatay sya kakatampo. Ang list ng bagay gustong pahabain. Pero bakit nga ba ako apektado? Ganon na ba ako ka sanay sa inggay nya? Kaya naiinis at bwesit na bwesit ako ngayong araw?

Walang imikan, walang pansinan.

Natapos ang klase hanggang nag tanghali na. Wala akong kasama. Inaamin ko, umaasa akong kasama kami ni Gio kahit tanghali lang. Palinga-linga ako sa paligid kong sino ba ang pweding kasama. Pero lahat meron. Nakakatawa, mag isa na naman ako.

Nilalamon yata ako ng kalungkotan.

Walang sarili akong tumayo at tahimik na bumili sa tindahan ng ulam. May baon naman ako ng kanin. Kahit pa malungkot ako kakain ako, ayoko mamatay sa gutom.

Matapos kong bumili ay pumunta akong rooftop ng mga junior high. Dati tambayan yun nina Alex. Nakwento nya sakin. Medyo mahangin at magaan ang lugar na 'to para mananghalian. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Gio mukhang busy naman yun sa bago nyang bestfriend. Tsaka pake ko naman diba?

Bestfriend nya ba yun o Jowa?

Ahh, ewan.

Umupo ako sa sahig wala naman kasing upuan do'n. Tsaka mag isa lang naman ako kaya ayos lang. Nag Indian sit ako at inilagay ang baonan ko sa nag kros na binti ko.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon