"Namumula ka Giovanni-brother?" Usisa sakin ni Ate, umiling ako at walang sarili napakagat sa ibabang labi. I can't stop thinking about earlier! Damn it!
Pa'no nagawa ni Denise sakin yun?! Nababaliw ako! Mabuti nalang talaga tumakbo ito papuntang silid ni Ate, kung hindi baka ano pa ang mangyari, o nangyari.
"Giovanni? Nakikinig ka ba?" Ngayon ay naging mataray na paraan nito sa pag tatanong. Agad akong sumilip sa mukha ng kapatid ko, bakas ang pag ka-irita sa mukha nito.
"H-ha? May sinasabi ka ba? I space out..." I trailed off, she shook her head and stared at me meaningly
"Ano ba kasing iniisip mo? Ganyan ka sakin kasi hindi ako si Kira mo! 'Di kana nakiki-bonding sakin! Hmp!" Sigaw nito, napangiwi pa ako sa popcorn na tumama sa mukha ko. Nakauwi na kasi si Denise, umuwi ito dahil sa kanina. Hindi man lang ako kinausap?!
Kasalukuyan rin ay inaya ako ng kapatid ko manood sa laptop nito ng kung ano-ano, hindi ko na tinanggihan. Buntis e. Baka tadyakan ako, lalo na't mas lumala ang pag ka mataray nito ngayo'y buntis.
"Si Kuya Keiser 'no ama niyan?" Biglang imik ko, ito naman ang tumahimik parang nang hihina. Tumamlay ang mga mata nito, at ibinaba ang popcorn.
"H-ha? H-hindi ah! Pala biro ka talaga Giovanni-brother!" Pekeng saya nito, bumuntong hininga na lamang ako. Ang panget niyang mag sinungaling hindi siya bagay mag artista sigurado akong mamumuti ang mata ng mga manunood sa kanya.
"Mag sinungaling kapa, minsan naririnig kita kinakausap 'yang anak mo, sabi mo tatay niyan si Keiser." Asik ko rito, hindi naman ako galit kay Keiser lalo na't alam kong si Ate ang may kasalanan kong bakit ito buntis ngayon at mag-isa.
Kilala ko si Keiser, alam kong pananagutan niya itong Ate ko, lalo na't mahal na mahal nito ang isang ito. Kahit bulag makakakita e.
"A-Alam mo?" Namumutla nitong tanong, agad naman akong tumango.
Yumuko ito, "sasabihin mo ba kina Mama?" Tanong nito na may basag na boses.
I just sighed. "Sasabihin mo ba?" Inangat nito ang mukha at umiling bilang sagot sa tanong ko.
"Edi hindi ko sasabihin." Simpleng bawi ko, napipilan naman ito sa nasabi ko. Parang hindi ito makapaniwala.
"Bakit?" mahinang bulong nito sapat parin na marinig ko.
"Hindi naman ako yung buntis, tsaka kong gusto mo talagang sabihin kong sino ang ama niyan, edi sana noong araw palang kung saan nalaman nila sinabi muna. Malamang dahil sa talino kong ito alam kong hindi mo gusto sabihin kina Mama." Tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ang nakunot na ekspresyon nito.
"Dapat talaga maging mabait kana sakin, para naman hindi ko sabihin yung alam mo na?" Asar na sabi ko rito, itinaas-taas pa ang dalawang kilay ko na mas lalong kina bwesit nito.
"Heh! Gusto mo sabihin ko kay Mama ang nakita ko kanina ha? Tsaka umamin rin si Kira mo kanina na hinawakan mo dede niya!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Talaga sinabi ni Denise yun?
"H-hoy.... hindi ka naman mabiro Ate Yasmin... Joke lang! Hehe, 'wag mo 'ko isumbong... labyu muah-muah tsup-tsup!" Taranta kong sabi rito, tumawa naman ito nang parang bruha na kina ngiwi ko kaloob-looban.
Alam kong pi-pektusan ako ni Mama kapag nalaman niya yun. Ayos lang daw kung halik-halik lang pero wag daw humawak.
Denise naman...
"H-hoy! Ate! Wag kang mag biro dyan!" Taranta'ng sigaw ko mas lalo itong tumawa ng malakas dahil siguro sa itsura ko.
"Kapag sinumbong mo ako dear brother, isusumbong rin kita! Hinwakan mo dede niya remember?" Panakot nito mabilis naman akong tumango parang masunoring bata.
Inangat ko pa ang palad parang nanunumpa, "hindi na pramis!"
"NAMUMULA ka anak?" Usisang tanong sakin ng ina ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod at kinurot-kurot iyon.
"A-Ah po? Kasi po mainit sa labas..."palusot ko, tumango naman ito parang naiintindihan. Kakarating ko lang sa bahay, hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina.
Narinig namin ang tunog ng pag katok sa pintuan, ugali ko talagang mag sara ng pintuan kahit umaga.
"Buksan mo pintuan 'nak," agad naman akong tumilma at binuksan yun, sumalubong saakin ang ama ko na may dalang bulaklak na wari ko na para kay Mama.
I smiled before him, "pasok ho kayo." At niluwagan ang pag bukas ng pintuan. Ngumiti naman ito ng tipid at pumasok, nilinga-linga nito ang bahay namin na para bang may hinahanap.
"Nasa kusina po, puntahan niyo na lang..." suwisyon ko. Tinungo ko agad ang daan sa kwarto ko at hinayaan ang sarili kong katawan ilundag sa higaan. Napakurap ako ng pumasok sa isipan ko ang nang yari kanina. Namumula ang mukha ko, kung nasa harapan siguro ako ng salamin kasing pula ko na ang kamatis na meron kami sa bahay.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko, mas lalo akong kinabahan ng makita ang pangalan kong sino yun. Kahit nangangatal sa kaba ay sinagot ko parin ang tawag.
"G-Gio?"
"Denise..." nanlaki ang mga mata ko sa pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ako makaapaniwala na may ilalandi pa si Gio kaysa noon.
Tumikhim ako, "n-napatawag ka?" I still shuttered! Shit!
"Namiss kita... balik kana rito sa bahay." Napakurap ako, it sound like seductive and husky.
"H-Ha? A-Ayoko." Mabilis na tanggi ko sa kausap. No thanks talaga Gio!
"'Di mo ba ako miss?"malumanay na bulong nito sa kabilang linya, halos na sitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa paraan nito ng pag kakasabi.
I can't!!!
"Diyan palang ako kanina Gio, bahala ka sa buhay mo! Miss ka dyan ulol alam kong may binabalak kang kalandian kapag bumalik ako dyan! Heh!" Sabi ko bago pinatayan ito at binaba ang tawag. Hindi kumakalma ang puso ko dahil sa tawag na iyon.
Mag ka-heart attack yata ako kapag kasama ko si Gio lagi, sa lakas ba naman ng tibok ng puso nito! Parang hindi ito puso ko parang kay Gio na.
"Kain na Kira!" Sigaw ni Mama, agad naman ako pumuntang hapag, naispatan ko naman ang ama ko. Naroon ito sa tabi ni Mama, hindi ko marinig ang sinasabi nito sa ina ko. Nauusap ang mga ito sa pabulong na paraan.
Wala rito ang mga kapatid ko, naroon ito sa bahay nina Lola, o kaya nasa ibang bahay. Pero minsan narito talaga halata sa bahay natutulog kapag gabi.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga magulang ko, at sumandok na ng kanin at ulam at inilagay iyon sa pinggan ko bago sumandok na rin ng pag kain at kumain.
Habang kumakain ako ay bigla kong narinig ang may kalakasang bulong ni Tito Kyatton.
"Bati na tayo Hon... sinabi ko naman sayo diba kong bakit? Hmm? Kung hindi mo talaga ako papansinin gagapangin kita." Lihim nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng ama ko, hindi ko pinahalata na narinig ko yun patuloy parin ako sa pag sandok ng pag kain.
Pinilit ko hindi ngumiti habang kumakain pero hindi ko napigilan. Nakita naman agad iyon ng ina ko, agad nito tinulak ang mukha ng ama ko palayo at nag panggap na parang walang nangyari.
Mabilis naman tinapos ni Mama ang pag kain ganon rin ang ama ko, umalis agad sa hapag si Mama at mabilis naman sumunod ang ama ko. Napangiti na lamang ako at walang sariling umiling sa nasaksihan.
Sa kalagitnaan ng pag inum ko ng juice bigla nalang may nag salita sa likuran ko. Na dahilan para maibuga ko ang juice sa kung saan.
"Namiss kita sabi!" Natulala ako nag mabilis na niyakap ako ng malandi kong syota na nag ngangalan Giovanni Vertudazo.
Bakit ulit malandi 'to?
-K.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Teen FictionTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)