CHAPTER 8

45 11 0
                                    

"NAKS na tingin yan Gio." napakurap ako sa bulong na sabi sakin ni Camden, iniwasan kong mamula sa narinig kasalukuyan nasa parke kami.


"Manahimik ka nga dyan."asik ko rito hindi pinahalata ang hiya. Tumawa naman ito sakin nakina inis ko lalo. Mas nakakainis na pala ngayon si Camden kaysa dati, bakit pala 'to bumalik? "Halata ka pre..."mahinang sabi ni Camden sakin naglalaro si Gina at Denise hindi ko alam kong ano yun.


"Anong halatang sinasabi mo?" maang-maangan kong sabi rito.


"kunwari kapa kita naman sayo, gusto mo si Kira 'no?"derikta nitong tanong sakin nanlaki naman ang mata ko umiwas ng tingin rito.


Teka ganon ba ako kahalata?


"Ano ba sinasabi mo dyan?!"deny kong asik rito.


"Binge kaba o bobo? sabi ko may gusto ka kay Kira tsk."ulit nito na kinapikit ko na. Si Camden ang pinaka matapat na tao na nakilala ko, kapag sinabi nya totoo yun hindi yata marunong ang isang 'to mag kunwari o mag sinungaling man lang.


"Hindi ako bobo tanga!"pag-iba ko. Tumaas naman ang sulok ng labi nito na wari kong natutuwa sa mga reaksyon ko. Punyeta!


"Alam mo Gio kung ako sayo aminin mo na yan baka matulad ka sakin..."pahinang sabi nito napakurap naman ako at yumuko. Tama ito pero pano kung di pala ako gusto ni Denise? pano kung sabihin nyang trip ko lang sya? hindi naman kasi ako tulad ni Camden na may kakornihan sa katawan.


"Wag muna ngayon pre maaga pa."sabi ko na tumingin kay Denise na sakto naman na napatingin sakin at ngumiti. Makakabangon pa ata ako nito?


"Ikaw bahala."tanging sabi ni Camden na pumunta kay Javen at sinamahan ito.


---


"Una na kami Gio!"sigaw ni Gina na lumabas na tinanguan ko nalang ito nag paalam narin si Camden uuwi na raw ito. Sumabay si Gina kay Javen kapitbahay naman daw ang dalawa, ako naman kailangan ko ihatid si Denise pumayag naman itong ihatid ko.


"Gio pupunta ako bukas dito ah?"tanong nito napamuglat naman ako at tinutok ang atensyon sa daan kahit walang ibang sasakyan kailangan parin mag inggat.


"Bakit?" tugon ko.


"Gagawa tayo output."sabi nito tumango naman ako naramdaman ko ang pagyapos nito sa bewang ko ,hindi ko alam pero uminit ang mukha ko. Kaya ng makarating kami sa bahay nito nagpaalam agad ako rito hindi ko na hinintay ang sagot nito umalis agad ako dun.


KINABUKASAN nagsimba muna ako baka kasi magsisimba rin si Gio ngayon mamaya na siguro ako pumunta dun. Pero ang weird nya kagabi? Iniwan ako dun tsk. Hindi ko nalang yun pinansin baka pagod rin ang isang yun nakatulog nga ako ng makauwi ako sino ba ang hindi mapapagod para kaming mga bta na hindi nakalabas sa mundo kahapon. Halos hindi rin ako makaenjoy sa dati kong school mahirap kasing ma maintain ang grades dun lalong hindi naman ako magaling sa academics.

TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon