"Bati na kayo?"Di makapaniwalang saad ni Glenn. Tumango naman ako at sinulyapan ang babae na nasa likuran ko. Halos ayaw tumigil ito sa pag iyak kanina. Dahil sakin.
"Kala ko pa naman may future kayo ni Coreen."gagad ng isang kaklase namin. Napapangiwi ako sa pag dikit dikit sakin ni Coreen. Mas malagkit pa yun sa glue eh. Ba't ko ba naisipan pansinin si Coreen?
"Kaibigan ko lang yun, tsaka sinabi ko na sa kanya dati na kaibigan lang kami, okay naman daw sa kanya."tanging sagot ko.
"Una na ako, hahatid ko pa si Denise sa kanila."paalam ko at hindi na kumaway. Mukhang naintindihan naman ng mga kaklase ko. Dapat kasi mag pra-practice ngayon ng walk. Kaso ng lang nakatulog sa kakaiyak si Denise. Tsaka kasalanan ko naman kaya ako na nag karga sa kanya sa likod.
Mas okay na 'to kaysa iba ang mag karga sa kanya diba?
Hindi naman ganon kabigatan si Denise, tsaka didilim na rin kailangan na umuwi ng isang 'to. Habang nag lalakad ako pauwi ay mukhang na gising ang diwa ng babae.
"Baba ako gago, nakakahiya!" Sabi agad nito ng makitang madaming taong nakatingin. Ngunit hindi ko ito pinakawalan, mukhang pagod ito e. Tsaka na gui-guilty rin ako, nawalan sya ng fucos dahil sakin.
"Hoy! Ibaba mo'ko, nakakahiya!" Ulit nito.
"Wag ka ngang mainggay, pag kamalan pa akong kinidnap ka e!" Asik ko dito. Hindi naman ito nag salita pa ulit.
"B-Bati na tayo?" Di makapaniwalang tanong ni Denise.
"Oum, ayaw mo?" Mabilis naman ito umiling sa sinabi ko. Napangiti ako ng yaposin nito ang parte ng leeg ko habang ang baba nito na katanday sa balikat ko.
Nakatingin ang mga tao samin kahit ang mga dumadaan. Kilala na kami rito dahil palagi naman kaming dumadaan. Tanging ngiti lang ang sinasagot ko sa mga tingin nila. Pinagkamalan pa ngang kaming mag jowa rito sa baranggay ni Denise e, one time na bumili ako rito. Sinabi ko naman ang relasyon namin ni Denise, na tanging kaibigan lamang. Hindi makapaniwala ang iba ngunit ang mga matanda hindi naniniwala na tanging ganon lang ang relasyon namin. Sa kanila na yun kung maniniwala sila o hindi diba.
"Alam mo Gio, ang boring no'ng wala ka," anito. Napangiti ako sa sinabi nito.
"Bakit naman?"
"Walang nang aasar sakin, wala akong kasama mag recess tsaka wala akong kausap. Ayoko mag isa ulit," madamdaming sabi nito.
Napangiti ako, "Talaga? Pwedi naman iba ang isama mo sa recess eh. Tsaka 'kala ko ba may Jekkon kana?" Asar ko rito.
"Jekkon?"
Tumango ko, "Jekkon."
Napakurap naman ito na para bang nakalimutan kung sino si Jekkon maya-maya ay mukhang naalala na nito. Umiwas agad ito ng tingin, napansin ko yun. Sinasabi ko na nga e!
"Wala kasi syang kasama, k-kaya sinamahan ko sya." Paliwanag agad nito na parang hiningi ko, pero ayos parin.
"Oh, talaga?" Asar ko lalo.
"Eiii! Gio naman ei! Nakakainis! Di naman kita ipagpapalit dun e, kahit kakaiba ang pangalan nyang Jekkon," natawa pa ako sa reklamo nito.
"Tsaka kasalanan mo yun kasi, hindi mo ko pinansin tsaka sinamahan ko lang naman sya e, kasalanan mo kasi kong pinansin mo ko hindi ko sya sana sinamahan 'non."
Kasalanan ko na naman?
"Di ko kasalanan yun okay?" Ulit pa nito, na kina buntong hininga ko. Talo na naman ako sa pang aasar na sinimulan ko. Hays.
BINABASA MO ANG
TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)
Novela JuvenilTeenage Series #1 (On-Hold) Math and numbers cracks Gio's head but what if the heart starts cracking ? Can a simple math can solve it? Giovanni Rave Vertudazo Kira Denise Llanes (Credits to the rightful owner of the photo.)