CHAPTER 27

22 7 0
                                    

Lutang ako halos isang oras na. Nasa stage na si Gio, napatingin ako rito. Sakto naman nag tama ang tingin namin. Napakurap ako ng lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Ako na mismo ang lumihis ng tingin. Naramdaman ko ring uminit ang mag kabilang pisngi ko.


Hindi naman 'to ganito...o hindi ko lang pinapansin?

Talaga bang kaibigan lang si Gio?

Patuloy kong tinatanong ang sarili ko baka sakali may maisagot ito sakin. Pero wala. Hindi ko namalayan tapos nang sinagot ni Gio ang tanong sa stage, narinig ko na lamang ang malakas na sigawan ng mga istudyante.


"Hoy! Gaga, awarding na! Tulala ka?" Napakurap ako ng siniko ako ni Alex. Walang sarili akong tumango rito bago binaling atensyon kina-Gio.


Meron title holder ng elements nasa 3rd runner up hanggang first runner up. At ang mananalo naman ay Sci-Math King.


Air para sa 3rd runner-up, water naman sa 2nd runner-up at Fire sa 1st runner-up. Ayon yun sa patakaran ng pageant alam ko syempre kasali ako kanina e. Di nga lang napili.


Hindi ko parin magawang mag-focus sa pageant dahil sa sinabi ni Gio. Gusto niya ako....



Hindi ko alam ang sasabihin... gusto ko ba rin sya? Hindi naman ganon kalala ang pagka-gusto ko kay Gio na aabot sa sirain ang pinasamahan namin para mahigitan lang yun. Ganon ba talaga ako kagusto ni Gio para balakin nyang sirain ang pag kakaibigan namin.



"Now, the most awaited part, the next Mr. & Ms. Sci-Math 20**!!!!" Hiyawan ng mga istudyante ang umalingawngaw sa buong gymnasium. Pinilit kong makinig pero hindi ko na alam kong anong nangyayari.



"Chelseah Varina!" "And Giovanni Rave Vertudazo!"



Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Tiffany, inalog-alog pa ako nito ng malaman si Gio ang nanalo at ang babaeng di ko kilala pero alam kong nasa senior-high na.


"Nanalo si Gio! Kira!" Nang marinig ko yun umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi ni Gio kanina sa park.


"Ganito nalang... kapag manalo ako tayo na kapag hindi m-mananatili tayong b-bestfriends."







Flashback.


"Gusto kita... Kira." Anito, naroon parin ito unan sa hita ko habang dilat ang mata na nakatitig sakin. Seryoso ang tono nito. He confess...yet I can't utter a word.


"Alam kong kaibigan lang ako para sayo, pero Kira gusto kita, matagal na nga e."anito na natawa pa pero walang bakas sa mukha nito ang humor.


"Gio..."



"Galit ka?"alalang tanong nito sakin, parang takot na magagalit ako. Umiling ako at umiwas ng tingin, ay banayag na pinakiramdaman ang hangin.


"S-Sorry... di ko lang napigilan."wika nito sa mahinang boses at umupo na sa tabi ko.


"Ang alin?"pilit kong kaswal sa boses. Wala akong maisip na tugon, kahit saang sulok ng utak ko wala. Hindi ko magawang tanongin ang utak ko kung gusto ko rin ba sya o hindi.


"Na magustuhan ka. Hindi naman kasi yun mahirap. Lalo na halos isang taon narin tayo...mag k-kaibigan."May bumara pa.


"Hindi ka ba naiilang Denise? Umamin ako sayo pero pano ka makipag usap sakin ngayon parang tulad parin ng dati. Kasi minsan naiisip ko kung aaminin ko sayo ang nararamdaman ko baka lumayo ka. Syempre una yun sa utak ko."


TEENAGE1: Mathematician's Property (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon