Chapter 15: Unofficially His

1.1K 48 5
                                        

*Anya's POV*

"LEE!!! Andito na si Zeke!"

Yung totoo?

pangatlong akyat at katok ko na dito sa kwarto ni Lee, kanina pa kasi naghihintay si Zeke sa living room.

Saturday ngayon, walang tugtog ang TBC (The Black Clusters) sa Terrazzo, yung suki nilang bar, pero tutugtog sila para sa kasal ng ate ni Zeke.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangang kasama at magbihis pa ako.

Naka-pink na dress ako ngayon, bigla kasing inabot sa akin ni Zeke pagkadating na pagkadating nya.

"Nandyan na!" bumukas yung pinto ng kwarto ni Lee.

Naka-all white na suit sya, brushed up yung pula nyang buhok at nakadagdag sa kagwapuhan nya yung krus na hikaw nya sa kaliwang tenga nya.

"Tara?" inoffer nya sa akin yung braso nya at ngumiti.

"Sandali." nakita kong tabingi yung bow tie nya kaya inayos ko muna.

Yiiiie! ♥

Para akong housewife na nag-aayos ng tie ng husband ko bago sya pumasok sa trabaho xD

Minsan lang to kaya ifee-feel ko na!

"Tara." Kumapit ako sa braso nya at sabay kaming bumaba sa hagdan.

"Alam nyo.. you look good together. Kaso langit ka," tinuro ako ni Zeke"lupa ka naman." tinuro nya si Lee "ang anghel, hindi para sa kampon ni Satan."

"Sira. Nainggit ka na naman." nakangising sabi ni Lee "Let's go."

Naglakad na kami palabas ng mansyon, ipagda-drive na kami ni Mang Buboy, nagtaxi lang kasi si Zeke papunta dito, coding daw sya.

Magkatabi kami ni Lee sa backseat, si Zeke yung nasa unahan, katabi ni Mang Buboy.

"Ang ganda.." bumulong si Lee sa akin.

Namula naman ako, kilig ang lola mo!

"Ganda ng dress.." tapos tumawa si Lee.

Nyok! Pasaway -___-

Tumingin ako sa labas ng bintana, akala ko ako yung maganda! Nu ba yarn!

"Kanina light lang makeup mo, Anya, bakit kumapal yata blush on mo?" natatawang sabi ni Zeke na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror.

Lalo tuloy akong na-conscious sa ichura ko.

Si Lee kasi!

"Cute nga e." singit ni Lee "nakaka-inlove." ngumiti sya at tumingin sa labas .

Kinilig na naman ako dun!

Pisti ka Lee! Magtigil ka!

"Woooh! Is that for real, dude? May masasaktan." alam kong biro pero may laman yung sinabi ni Zeke.

"No one owns her, but she's reserved." seryosong sabi ni Lee.

So kailangan talaga pag-usapan ako ng harapan?

Reserved daw -___-

Ano ako? Limited version ng babae? Parking lot? Pff!

10AM na nung makarating kami sa simbahan, wala pa yung ate ni Zeke, naghihintay naman yung groom nya dun sa loob, pumasok na kami sa simbahan. Umupo ako sa tabi ng iba pang guests, si Lee kasi dun sa unahan, magkakasama sila nila Zeke at nung iba pang kabanda nila.

In less than 10 minutes, dumating na yung bride, nag-umpisa yung ceremony sa pagtugtog ng Wedding March habang lumalakad sa isle yung mga abay, kasunod yung ate at daddy ni Zeke.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon