*Anya's POV*
"Ayoko! Hindi ko nga kayo kilala tapos gusto nyong sumama ako sa inyo?"
Yan yung sinabi ko dun sa mga lalaki kagabi.
Hindi nila naintindihan pero alam kong sa tono palang ng pananalita ko, alam na nila yung ibig sabihin.
At syempre hindi din naman hinayaan ni Lee na sumama ako dun sa mga lalaki.
Pinaalis nya yung dalawang foreigner na yun.
Ewan ko ba... pero hanggang ngayon, napapaisip pa din ako kung bakit kilala nila ako.
Maraming 'baka' at 'siguro' yung naiisip ko.
Hindi naman nila ako pinilit na sumama sa kanila, pero may iniwanan silang card sa akin.
May contact number at address pero walang pangalan kung kanino yun.
Naisip kong tawagan kanina yung number, pero nung nag-ring, binaba ko kaagad yung telepono.
Daig pa ko pa hinabol ng sampung mamamatay-tao sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Hija, bakit mukhang kabadong-kabado ka?" boses ni Mamu yun.
Sasabihin ko ba sa kanya?
Wala si Lee ngayon eh, pumasok sa kumpanya nila.
Si Mamu lang yung pwede kong kausapin tungkol sa mga nangyayari ngayon.
Hinarap ko si Mamu, "Kayo po pala.." tumayo ako mula dun sa couch at inalalayan ko syang maupo.
"Parang ang lalim ng iniisip mo kanina, is there something wrong?" tanong ni Mamu.
Umupo ako sa tabi nya, "Kasi po Mamu.. hindi po ako mapalagay eh."
"Why? What's bothering you?"