*Anya's POV*
"Okay! Wala na ba kayong nakalimutan?" sabi ni Zeke pagkatapos nyang bilangin lahat ng sakay sa loob ng Hi-ace na sinasakyan namin.
Bale pito kami dito sa van, including yung driver na si Mang Buboy.
Inimbita din pala ni Lee yung mga kabanda nya na sumama sa outing.
Mamaya lang, kasama na din namin yung iba pang kasamahan ni Lee sa trabaho, yung mga taga-kumpanya.
Kinakabahan na nga ako, ako lang yata ang hindi mayaman sa lahat ng kasama.
Nabanggit ni Lee kanina bago sya matulog na ang estimated daw na bilang ng sasama ay 30.
Oo, tulog nga si Lee.
Nandito na kami sa loob ng van.
Bale nasa gitna nila ako ni Papabols Roy :)))
Ako lang babae dito sa sasakyan.
Keri lang :)
Ang gugwapo ng mga kasama ko.
Choosy pa ba? XD
"Wala na. Muntik ko na ngang dalhin buong aparador ko sa sobrang dami kong bitbit na damit." Sagot slash pagbibiro ni Jake kay Zeke.
"Pano kasi yung three days mo parang three weeks. Oras-oras ka ba nagpapalit ng damit? Dami mo ngang dalang damit tapos yung brief mo tatlo lang talaga." pang-aasar ni Von kay Jake.
"Haha. Sira ka talaga, Von. Anim kaya dala kong underwear. Pito pa nga, kasama tong suot ko ngayon. Ikaw nga dyan dalawa lang baon mong brief e." ganti ni Jake.
"Galing mo manghula ah.. Syempre counted na tong suot ko ngayon. Bale tatlo na." sagot ni Von.
Nagtawanan sila kaya nakitawa din ako.
"Haha.. baliw talaga tong dalawang to. Mahiya nga kayo! May kasama tayong babae oh. Tsk. Alis na nga tayo." pumasok na si Zeke sa loob ng van at tumabi na kay Von na nasa likuran namin "Let's go, Manong Buboy. Sa Batangas Port po tayo."
Nagdrive na si Mang Buboy.
Mga ilang minuto lang, tulog na din sina Zeke, Von at Jake gaya nila Lee at Roy.
Sa Batangas port nalang daw magkikita-kita para magkakasama na lahat sa isang roro.
Buong biyahe, car stereo lang ang nag-iingay at ang hilik ni Von.
Ang cute tignan ng mga lalaking to, parang mga bata.
May mga baon pang salbabida.
Hahaha! Lalo na yung kay Lee!
Kulay dilaw na malaking salbabida na may ulo ng bibe xD
Excited na ko ♥
Apat na oras yung biyahe bago namin narating ang Batangas Port, kasama na dun yung oras na ginugol namin sa traffic.
"Anya, pakigising na sila. Andito na kamo tayo sa port." utos ni Mang Buboy.
"Sige po." ngumiti ako at dahan-dahang inalis yung sombrero na nakatakip sa mukha ni Lee "Baby Boy.."
Dumilat si Lee at kinusot yung mga mata nya.
Cute cute nya ♥
Alam kong nasa early twenty's na si Lee pero bakit para akong nakatingin sa isang 2-year-old baby boy? :D
"O bat nakangiti ka dyan?" seryosong tanong sa akin ni Lee. Shocks -___-
"W-wala naman. Kasi.. nandito na tayo." tinuro ko yung labas.
