*Anya's POV*
"Tignan mo naman ako~ palagi ka nalang nakatalikod ~"
"Ayoko.." sagot nung lalaki sa harapan ko.
Nasa park ako.. may kasama akong lalaki. Magkahawak kami ng kamay pero nauuna sya sa akin maglakad kaya hindi ko sya makita nang harapan.
"Siguro panget ka kaya ayaw mo akong tignan nuh?" Biro lang.. ayaw nya kasi akong tignan e.
May nararamdaman akong saya.. kakaibang saya :)
Ang sarap mainlove ♥
"Hindi ah.. baka kasi ma-inlove ka lalo sa akin kapag tumingin ako sayo." sagot nung lalaking kahawak ko ng kamay, sabay kaming tumawa.
"Wow ah.. ayaw mo bang ma-inlove ako sayo kaya ayaw mong tumingin?" nakangiti kong tanong.
"Syempre gusto ko.." Unti-unti nyang nililingon yung ulo nya, pisngi, ilong, bibig, at mata.. naka-sideview na sya.
Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. :)
Makikita ko na sana sya ng harapan pero unti-unting lumiliwanag yung paningin ko, nakakasilaw.
Hinarang ko yung braso ko sa mga mata ko at pumikit.
Pag dilat ko, may lalaking nakatayo dun sa may veranda ng kwarto ko, nakatalikod, bumangon ako agad.
Syet. Panaginip ulit -____-
Nasapo ko yung noo ko sa inis.
Napako yung tingin ko dun sa lalaking humawi sa kurtina kaya biglang lumiwanag sa kwarto ko.
Sino ba namang may gustong mabilad ang mukha sa sikat ng araw? -___-
Pero teka..
Sino sya? Bakit sya nandito? O.O
Tumayo ako at pasimpleng naglakad papuntang banyo.
"How's your sleep, Mouse?"
Biglang nagsalita yung lalaki.
MOUSE?! TONG GANDA KONG TO?!
Tumigil ako sa paglakad at dahan-dahang humarap.. masama ang tingin ko sa kanya.
Pero mas masama pala yung tingin nya sa akin.
"LEE?!" halos napanganga na ako sa gulat.
Si savior ko! P-panong...
"What are you doing here?" iritableng tanong nya.
Grabe.. ang sungit nya talaga.
"K-kasi... kasi nandito ako para magtrabaho." tapos tumango ako habang sinusuklay ko ng mga daliri ko yung magulo kong buhok.
Nakakahiya naman yung ichura ko nuh..
"Trabaho?! Anong trabaho?!"
"She is your yaya, dear." pareho kaming lumingon ni Lee sa direksyon ng pinto ng kwarto ko, nandun pala si Madam Vinia -__-
Sya?? Sya yung apo ni Madam??? Sya yung aalagaan ko???
Huwaaaaaat? O.O
Akala ko, BABY! Yung literal na BABY!
BABY DAMULAG PALA!
"Mamu? What the hell?! Hindi ko naman kailangan ng yaya! Lalo na't ito pang babae na to yung magiging yaya ko~~" sabay duro sa akin.
"Luh, Sir Lee, makaduro ah? Parang uutus-utusan mo lang ako, ayaw mo pa.." natatawang sabi ko in a sarcastic way.
"Shut up!" Nilapit nya mukha nya sakin "para namang hindi ko alam kung pano ka magtrabaho!"
![](https://img.wattpad.com/cover/28179112-288-k815561.jpg)