*Lee's POV*
"Sigurado ka na ba talaga? Di ka na ba talaga namin mapipigilan?" tanong ko kay Zeke habang ibinababa namin yung mga dala nyang maleta at bags dun sa van.
Ngumiti si Zeke.
"Final na to, dude. Sigurado na ko. Tsaka magkikita pa naman tayo ulit, bakit parang ayaw mo ko paalisin?"
"Alam ko naman yun, kaso.. 2 years? Grabe, bakla na kung bakla pero mami-miss kita, dude. Kahit nakakasawa na yung mga mukha nyo hindi naman ako masaya kung magkukulang ang Black Clusters ng isa."
Tumawa si Zeke, "Base guitarist lang naman ang mawawala.. kaya mo naman yun eh."
"Baka naman mag-iyakan na kayo dyan." sabi ni Von pagkababa nya ng boston bag ni Zeke.
"Zeke, nagpaalam ka ba kay Louie?" tanong ni Jake.
Umiling sya.
"Bakit hindi?!" sabay-sabay naming tanong sa kanya.
This guy really needs a super punch and a flying kick!
"Kailangan pa ba?" tanong nya.
Nakaka-g*go din minsan to si Zeke e.
Matapos yung nangyari sa Batangas sa kanila ni Louie, halos isang linggo namin syang hindi nakasama.
Yung banda namin, on hiatus.
Wala munang gimmick.
Wala ding gigs.
Hindi namin sya ma-contact.
Ni hindi kami pinapapasok ng maid sa bahay nila, kesyo tulog o wala daw si Zeke.
Tapos kaninang madaling-araw nambulabog sya sa bahay.
Nagpapahatid sa airport???