Chapter 33: The Leche Plan

1K 34 0
                                    




*Lee's POV*




"You won't believe me! Nakita ko talaga si Anya kanina! And she stays right there! Katabi lang natin."




"So, you mean... popular na si Anya?" gulat na sabi ni Von.




"How come we don't know it?" tanong ni Jake.




"Alam ko." sabi ni Roy habang nakatayo sya sa balcony.




"What?" nilapitan ko sya.




"Sinabi lang sa akin ni Vira." sabi ni Roy.




"Eh bakit di mo sinabi sa amin? Sa akin?"




"Ayaw ipasabi eh. Buti nga sinabi ko pa sa inyo eh."




"Galit yata talaga sa'yo, dude." sabi ni Zeke sa akin.




"Yeah, I know that." nilapag ko yung bag ko sa kama at naupo, "Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa ko?" I sighed.




"Hindi problema yan, dude. Suyuin mo! Tulungan ka namin, diba dudes?" suggestion ni Roy na sinang-ayunan naman nila Zeke at Jake.




"Hindi pwede eh." nakayuko kong sabi.




"Bakit hindi?" kunot-noong tanong ni Jake.


"Just so you know... may anak na si Anya. At sa palagay ko, yung Julian na pinagkakaguluhan kanina yung asawa nya."




"Anak nya yung bata kanina?!" gulantang na sabi ni Zeke.




"Hindi pa nga tayo nag-uumpisa sa plano, bulilyaso kaagad." napakamot ng ulo si Von.




"So pano na? Anong nasa isip mo, Lee?" umupo si Jake sa tabi ko at tinapik ako sa balikat.




I shrugged, "Wala.. All I know is I miss her so much."




"May alam ka pa ba, Roy? Sabihin mo na." sabi ni Zeke kay Roy.




Umiling si Roy, "Wala na."




"Wala bang nababanggit si Vira sa iyo na may anak na si Anya?" tanong ulit ni Zeke.




"Wala din. Ngayon ko lang din nalaman na may anak na si Anya. Siguro hindi rin alam ni V." sagot ni Roy, "Bakit hindi nalang tayo mag-research? May internet naman."




Walang sali-salita, kinuha ni Jake yung laptop nya at ginoogle kaagad si Anya.




"Savanna Maux, 26 years old, 46kg, 171cm, born: Manila, Philippines, lives in Bourse, Paris, France. Eto! Naka-link yung Julian at Leigh!" kinlick ni Jake yung kay Julian,"Julian Maux? 24 years old? 90kg? 190cm?!"




"Hindi sya asawa o boyfriend ni Anya kung ganon. They're related to each other." sabi ni Zeke, "Oh yung Leigh naman dali!"




Tinignan namin yung sa Leigh, lumabas yung litrato nung batang yumakap sa hita ko kanina.




"Leighdon Maux, born on December 25, 2015 in Paris, France. Ibig sabihin, tatlong taon na yung bata. Anong buwan ba umalis si Anya dito?" nagtatakang tanong ni Jake.




"March sya umalis." sagot ko.




"Kung ganon..." nagbilang si Zeke sa daliri nya "Lee, magsabi ka ng totoo, mga kaibigan mo kami, may nangyari ba sa inyo ni Anya bago sya umalis?"




"Meron." sagot ko kaagad.




Napa-snap ng daliri silang apat, "Anak mo si Leigh!"




Tumayo ako, "Tama.. anak ko nga yung bata na yun. Pero bakit hindi sinabi sa akin ni Anya? Karapatan kong malaman yun."




"Galit nga kasi sayo.." sabi ni Von.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon