*Lee's POV*
"Anya's precious to me, she's my princess. Sana ganun ka din sa kanya." mahinahong sabi ni Tito Hugh sa akin.
Dalawa lang kami ngayon dito sa kwarto ko.
Dito na sya sa ospital dumirecho pagkagaling nila sa airport kasama sina Anya at Julian.
We were having a heart to heart talk for a couple of minutes already.
"Mahal na mahal ko po si Anya at ang anak namin. Hindi ko na po kakayanin kung mawawala sila sa akin. Nagkamali po ako noon, pero sinisigurado ko po sa inyo ngayon na hinding-hindi ko na po gagawin yun ulit. I promise to give them only happiness and love. Handa po akong pakasalan ang anak nyo." bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinawakan ko ang kamay nya, "Sir, payagan nyo po sana akong patunayan sa inyo kung gaano ko po kamahal si Anya. Handa po akong i-give up ang pagbabanda ko para sa kanila ni Leigh at mag-focus nalang sa pagpapatakbo ng business namin."
Natawa sya, "Hindi ko naman kayo mapipigilan ng anak ko kung talagang nagmamahalan kayo. Pinagdaanan ko din yan and I know how it feels like to be in that situation. Ang akin lang, wag mo sanang sayangin yung pangalawang pagkakataon na ibinigay nya sa iyo. Dahil kapag nangyari yon, hindi ako magdadalawang-isip na bawiin sila sa iyo. And when that happens, there's no turning back."
I smiled, "I'll do my best, Sir. Salamat po dahil pinagkatiwalaan nyo ako ulit."
He patted my shoulder, "Sya sige. I guess we're both enlightened now. Mauuna na muna ako at may jetlag pa ako." pabirong sabi nya.
"Salamat po ulit. Ingat po kayo."
"Pagaling ka." he stood and left my room.
Anya and Julian entered.
"Lee. How are you?", tinapik ako ni Julian sa braso, "Nahuli na ba yung gumawa nito?"
"Hindi pa, sana nga eh. Congratulations sa show nyo." nakangiting sabi ko.
Tumabi sa akin si Anya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko, "Salamat. Lee, nga pala, naikwento ba sayo ni Roy kung bakit nasa fashion show si Priscy kagabi?"
Tumango ako, "Yes. Mabuti naman na wala syang ginawa sayo. At yung tungkol sa kasal nya, pupunta ba tayo?"
Hindi sya agad nakasagot.
"Okay lang sa akin kung ayaw mo." I nodded.
"Pag-iisipan ko. Isang buwan pa naman bago yun. Ang importante, magpagaling ka muna." she cupped my face, "Uuwi muna ako ha? Aalis na kami sa hotel eh, susunduin ko na din si Leigh, sasabay na sa amin si Zeke, nandyan na sa labas yung daddy mo. Papahinga lang ako tapos mamayang tanghali babalik ako dito."
I held her hand, "Sige, wala ka pang tulog eh. Ingat kayo. Tawag ka nalang kapag nakauwi na kayo. Hintayin kita."
"Wait. Anong pinag-usapan nyo ni Hugh?" kyuryosong sabat ni Julian.
Napangiti ako, naalala ko kasi yung mga napag-usapan namin ni Tito Hugh, "Syempre nag-apologize ako. Kamustahan lang din."
Ayoko munang ipaalam kay Anya yung sinabi ko kay Tito Hugh.
Naisip ko kasi, kailan ko ba huling sinorpresa si Anya?
Gusto kong maging special yung proposal ko sa kanya. I wanna do it on the day when no one's gonna figure it out.
"Well, that is good. Buti naman okay ka na ulit kay papa." Anya hugged me sideways, "O pano, uwi muna kami ha? Balikan kita mamaya." she smiled and stood.