*Lee's POV*
"Sino una nating susunduin, Lee?" tanong ni Roy habang nakikipaglaban ng hockey kay Vira sa tablet nya mula dun sa likuran namin ni Anya.
So, nagdrive na nga ako para sunduin na yung mga kabanda ko.
"Syempre yung pinakamalapit." si Jake.
"Ahh. Nagtext sakin yun, isasama daw nya yung pinopormahan nya ngayon. Yung chinita na nakilala nya sa Puerto Galera?" ngumisi si Roy "Ay shit! Ang daya mo, Vira!"
"Ang daldal mo kasi e." pinitik ni Vira yung ilong ni Roy bilang punishment, naglalaro nga sila ng hockey habang kausap ako ni Roy.
Nagkatinginan kami ni Anya, parang parehas kami ng naiisip, tumawa nalang kami.
Sinundo ko na si Jake, may kasama ngang babae. Hindi ko kilala pero chinita nga. Baka tama si Roy.
Sumunod naming dinaanan si Von, walang kasamang babae, katwiran nya, madami naman daw silang makikilala ni Roy sa Batangas. Tsk. Partners in crime talaga silang dalawa.
At huli naming sinundo, si Zeke.
Wala dun sa bahay nila, sabi ng maid, pumunta daw kina Louie kaya dun na ako dumirecho.
Medyo malapit na kami dun sa bahay nila Louie, natanaw na namin si Zeke.
Nakapasan sa kanya si Louie!!!
Bumaba kami ni Anya sa van.
Louie is still wearing her pajamas, mahimbing na natutulog habang nakapasan kay Zeke.
"Ano yan?" natatawang sabi ko.
Hindi ako makapaniwalang yung chic na sinasabi ni Zeke kanina sa phone ay si Louie, yung macho slash sexy nyang kababata.
"Puyat daw to, madaling araw na umuwi sabi ng mama nya. Patulong nalang sa mga gamit namin, dude." sabi ni Zeke at tsaka isinakay si Louie sa loob ng van.
"Nakakatuwa naman silang tignan, Dondon." sabi ni Anya.
"Hindi sila talo." I wiggled my brows.
"Bakit naman? Babae pa rin naman si Louie ha.. at sa palagay mo ba sasabihin ni Zeke na chic si Louie kung wala syang gusto dun?" isinakay namin ni Anya yung gamit nila Louie sa likod ng van at pumasok na ulit sa loob.
I looked at her.
May point sya.
"You know, bigla akong napaisip. Maybe you're right." I smiled a bit.
After all, never nga nagseryoso si Zeke sa babae. At kapag napag-uusapan namin yung mga babae, si Louie lagi yung bukang-bibig nya.
Fate is really mischievous. It's unpredictable. Malay mo, sa malayo ka pa nakatingin pero 'yung taong para sa'yo, matagal na palang nasa tabi mo.. nagbubulag-bulagan ka lang.
Anya nodded.
Nagdrive na ako papunta sa kumpanya para magpaalam kay Mamu.
Isasama ko si Anya sa loob, I'll introduce her to everyone.
We walked towards the main entrance.
"Good afternoon, Sir." bati nung guard sa akin.
"Good afternoon." I smiled at him.
"Miss, ikaw na naman? Diba pinagsabihan na kita dati? Patingin ng ID mo. Hindi ka pwede basta-basta pumasok." natigilan kami ni Anya nung nagsalita yung guard.
"Dondon, sa van nalang kaya ako? Wala naman akong ID dito e. At tsaka natatandaan ako nung guard na sumita sa akin nung unang punta ko dito, yung araw na nanakawan si Mamu." Anya whispered as she clang on my arm.
"Akong bahala." I smiled at her and looked at the guard "No, it's okay. Kasama ko sya. She's my girlfriend, her name is Anya." sabi ko dun sa guard "pwede syang pumasok dito kahit kailan.. or else.. ikaw ang hindi ko na papapasukin dito kahit kailan. Mamili ka."
Napakamot ng ulo yung guard, "Sige po. Sorry, Sir."
I nodded and continued walking with Anya, greeting everyone who greeted me as well.
Anya giggled.
"Dondon.. alam mo ba, matagal ko nang pangarap na makapasok dito." nakangiting sabi ni Anya, "sa wakas, nandito na ko."
I smiled at her, "Mula ngayon, isasama kita tuwing pupunta ako dito."
"Kahit oras ng trabaho?" she grinned.
"Kahit oras ng trabaho." I nodded "mas okay nga yun eh, mas gaganahan ako magtrabaho kapag kasama kita."
Ngumiti sya, maybe a sign of approval or agreement.
"Good afternoon, Mr.Montemayor." Marissa greeted me, sya yung assistant ni Mamu.
"Good afternoon. Nasaan ang Mamu?"
"Ah she's in her office, Sir."
"Okay, thanks."
Pumunta kami sa office ni Mamu, I knocked and entered.
"Hijo~" Mamu smiled brightly upon seeing me.
"May kasama ako." I grinned and opened the door wider, exposing Anya.
"Anya.. come in." Mamu stood up from her swivel chair and greeted us with a hug "napadalaw kayo?"
"Uhh.. magpapaalam po sana 'Mu."
"Magpapaalam? Bakit?" nagtatakang tanong ni Mamu.
"Bigla po kasing nagyaya mag-out of town tong si Lee. Nasa labas nga po yung mga kabanda nya e." sagot ni Anya.
"Is that so?" ngumiti si Mamu "Walang problema.. basta mag-iingat kayo ha? Sabihin nyo kay Buboy na dahan-dahan lang sa pagmamaneho."
"Ahh.. kasi Mamu ako yung nagdadrive e." I smiled sheepishly.
"What?" Mamu shook her head "May driver naman tayo bakit kailangang ikaw pa ang magmaneho?"
"Okay lang po.. overnight po kasi kami. Mag-iingat naman po ako."
She sighed "Oh basta call me when you got there. Ingat kayo. Have fun." she smiled.
"Yes. Thanks, Mamu. I love you!" I hugged her tight and pecked her cheek "sige 'Mu alis na po kami."
"Bye Mamu." Anya waved as we went out of her office.
Happily, we went back to the van and made our way noisily to Batangas.