Final Chapter: The Not-so-perfect Ending

1K 38 0
                                    

*Anya's POV*

[3 months later]

Mahaba, puting-puti at detalyadong-detalyado ang wedding dress na nasa harapan ko ngayon.

Gustong-gusto ko 'to dahil ako mismo ang nag-design nito. It only took me only one hour to design this dahil ito ang dream wedding dress ko. I've always wanted to wear my own creation, mas nagiging memorable kasi sa akin kapag gano'n.

In one hour, lalakad na ako sa aisle suot ang gown na 'to. In an hour, goodbye Savanna Maux and hello Savanna Montemayor na ako.

We had 3 months for the preparation and seminars, sinabay na rin namin ang paglakad sa pagpapalit ni Leigh ng surname bilang surname ko ang dala n'ya.

"Anya, nandyan na 'yung videographers at photographers. Inuna na daw nilang kuhanan ng videos at pictures 'yung preparation sa reception, mas marami daw kasi silang ipapa-gawa sa 'yo bago ka magsuot ng gown." sabi ni Steff nang pumasok s'ya sa kwarto ko.

Tumayo ako at lumapit kay Steff, "Kinakabahan ako, Steff."

Ngumiti s'ya, "Ano ka ba.. ang ganda-ganda mo, It's your time to shine!" sabi n'ya habang inaayos sa harap ng salamin 'yung buhok at gown n'ya, "Sigurado akong ikaw 'yung pinaka-maganda ngayon."

Tumingin ako sa salamin at ngumiti, "Parang feeling ko pa nga nahihiya akong magpakita kay Lee. Parang... first time namin magkikita ulit. Alam mo 'yung ganong pakiramdam? Iba talaga eh.."

Natawa si Steff, "Ay nako! Kilig lang 'yan. Sige na, mag-prepare ka na, papapasukin ko na sila dito."

Lumabas si Steff sa kwarto ko at sinundo 'yung videographers at photographers na pinadala ni Lee.

Gawa naman na ang make up at hairdo ko pero para sa intro ng gagawing video ng kasal namin ni Lee, kunwari ay mine-make up-an ako habang vinivideo.

Lahat ng isusuot ko mula ulo hanggang paa ay kinuhanan din nila ng footage.

Hanggang sa isinuot ko na 'yung gown, vinideohan ako habang bumababa ako ng hagdan, hindi mawala 'yung ngiti sa mukha ko.

Naghihintay sa labas ng gate namin 'yung bridal car, kasama ko si Papa na sumakay do'n. Si Julian, Leigh, Tita Shirley at Steff naman sa kotse ni Julian, nauna na sila sa simbahan.

"My princess is going to be someone's queen now." ngumiti si papa at hinawakan ang kamay ko, "I want to be the first one to wish you all the best. I love you, anak." he pecked my forehead.

Sinandal ko 'yung ulo ko sa balikat n'ya, "I love you, too, 'pa. Salamat sa lahat. Salamat din kasi binalik mo 'yung tiwala mo kay Lee. It means a lot to me."

"Hindi ko naman gagawin lahat ng 'yun kung hindi ko nakita at naramdamang mahal ka ni Lee. I know he loves you so much, kaya ipanapaubaya na kita sa kanya. After your wedding, babalik na kami ni Julian sa France. I'm giving you the title of the mansion as a gift, take care of it, huh?"

Pagkasabi no'n ni Papa, nanlaki ang mga mata ko, "Talaga, papa? Sa amin na 'tong mansyon?"

Tumango s'ya, "Lalayo ka pa ba? Eh may bahay ka na nga. At saka, may bahay pa tayo sa France, wala namang titira do'n kundi kami ng kapatid mo."

"Uhh.. thanks a lot, 'pa. Promise, aalagaan ko 'yung mansyon, pati 'yung business." nag-cling ako sa braso n'ya, "Handang-handa na po ako sa bagong buhay na papasukin ko, papa."

"That's my girl." ngumisi s'ya at ibinaba na ang belo ko, "Halika na, hinihintay tayo ng groom mo. Let's go, Flynn." utos n'ya dun sa buntot slash kanang-kamay slash driver n'ya.

Tumango naman si Flynn at nagsimula nang mag-drive papunta sa simbahan.

***

*Lee's POV*

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon