Chapter 18: Bagong Kabanata

1K 39 1
                                        

*Anya's POV*

"Dondon, sunduin natin si Vira sa gate ng subdivision. Ayaw daw sya papasukin nung guard e." sabi ko kay Lee habang tinutulungan ko syang magtiklop ng mga damit na dadalhin nya para sa outing namin mamaya.

"Hm? Loko talaga yung mga guard na nandon. Hindi naman siguro mukhang masamang tao yung kaibigan mo, nuh? For sure type nila yung kaibigan mo kaya ayaw nila paalisin doon."

"Hindi naman.. ang amo nga ng mukha nun. Medyo mahiyain din yun. Tsk! Subukan lang nilang bastusin si Vira! Bibigyan ko sila ng power fart!"

Tumawa si Lee, bumenta sa kanya yung power fart! XD

Yun yung una kong naisip na super powers e. :3

"Dapat sinabi nya pangalan ko sa guard. Pero sige, sunduin natin sya para makasabay na sya mag-lunch sa atin. Para hindi na din sya maglakad ng malayo." ngumiti si Lee at tumayo para kuhanin yung susi ng kotse nya.

Yay~ sweet ng boyfie ko ♥ thoughtful pa!

"Sige sige. Tara!" excited akong lumabas ng kwarto ni Lee, kasunod ko na syang bumaba sa hagdan.

Sobrang excited talaga ako!

Ngayon lang kami ulit magkikita ni Vira, ngayon lang din ako makakasama sa outing. :D

Sumakay na kami ni Lee sa kotse nya, eto yung kotseng gamit nya nung gabing muntik na ko maholdap, nung gabing niligtas nya ako at nung gabing una kaming nagkita.

"Tawagan mo sya, sabihin mo, on the way na tayo." nagsimula nang magdrive si Lee.

Tinawagan ko nga si Vira.

(Hello.)

"Oy, Vira~ wag ka na umalis dyan sa gate, papunta na kami dyan."

('Kami'? Sinong kasama mo?)

Hehehe.. hindi ko pa sinasabi kay Vira na may boyfriend na ako, sabi ko lang sa kanya, magready sya ng damit pangligo na good for 2 days dahil isasama ko sya sa outing. Tanong nga sya ng tanong kung bakit at kung okay lang ba daw talaga na sumama sya, sabi ko okay lang dahil nagpaalam ako sa amo ko. Hindi nya alam na yung amo ko, yung boyfriend ko xD

"Yung amo ko."

(Luh! Nakakahiya talaga friend! Wag nalang kaya akong sumama? Eh mukhang mayayaman talaga yung mga nakatira sa lugar na to. Sobrang higpit pa ng mga guard. Kinalkal pa yung mga gamit ko, akala yata may masama akong balak.)

Tumawa ako, natatanaw ko na kasi si Vira, wala pa din syang pinagbago.

In-end ko yung call.

"Dondon, dito na lang."

Pumarada kami sa tapat ng guard house, naunang lumabas si Lee ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

Nakita ko namang nagulat si Vira, yung gulat na parang hindi makapaniwalang sobrang gwapo pala ng amo ko xD

Lumabas din ako ng kotse, "Vira!" kumaway ako sa kanya.

"Anyaaaaaa!" tumakbo sya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit "grabeee.. namiss kita!"

Niyakap ko din sya, "Syempre ako din!"

Umubo si Lee.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Vira, masyadong mainipin tong boyfie ko, tsk, kitang nagmomoment kami ni Vira e -__-

"Ah, Vira, si Lee pala. Boss ko. Lee, si Vira, bestfriend ko."

"Hi Vira." ngumiti si Lee at nag-offer ng hand shake "Nice to finally meet you."

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon