Chapter 28: What hurts the most

904 35 0
                                    

*Anya's POV*



"Baby.. kailangan mo ba talaga akong iwanan dito?" yumakap si Lee mula sa likuran ko, kasabay nun yung malalim niyang paghinga.



Nag-iimpake kasi ako ng mga gamit ko.



Dun na ako kay Papa titira.



Alam kong malungkot, pero may purpose naman ako sa pag-alis ko dito sa bahay nila.



Para 'to sa ikabubuti ng pamilya ni Lee at sa pamilya ko.



Inaasahan kong sa pagsama ko kay Papa sa bahay nya, madami pa akong malaman tungkol sa kanya at ganon din si Papa sa akin.



Naisip ko din kasi na kapag umalis ako dito, mas matutuon yung pansin ni Lee sa Daddy nya.



Gusto ko talagang maging okay sila.



Yung parang wala nang samaan ng loob, ganun.




Humarap ako kay Lee, I cupped his cheeks.



"Dondon, naiintindihan mo naman ako diba?" ngumiti ako ng bahagya "Parehas tayong nangulila sa mga magulang natin noon, kaya ngayong nandito na sila, hindi ba dapat mag-spend tayo ng more time kasama sila?"



Hindi sumagot si Lee, he just looked down.



"Araw-araw naman kita tatawagan at itetext eh. Kung gusto mo nga isama mo pa ako kapag may gig kayo. Papayagan naman siguro ako ni Papa." niyakap ko sya.



Hinaplos nya yung buhok ko, "Nasanay na kasi ako na araw-araw kang nandito.. yung tipong pagkagising ko, ikaw kaagad yung makikita ko, boses mo kaagad yung maririnig ko."



Napangiti ako, "Ako din naman eh.. pero pwede pa din namang mangyari yun araw-araw, thru phone nga lang. Boses mo kaya yung bumubuo sa araw ko~"



Humiwalay si Lee sa pagkakayakap sa akin, "Haaay~ mami-miss ko talaga yang kasweetan mo, baby."



Tinitigan ko lang sya, "Mas mami-miss ko kaya yung ka-kornihan mo." pinisil ko yung ilong nya.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon