Chapter 6: Smells Like Pinipig

1.2K 44 5
                                    

*Lee's POV*

It's 4 in the afternoon. Nakababad at naghaharutan na sa pool sina Von, Roy at Zeke. Kaming dalawa ni Jake, nasa gilid lang ng pool, kumakain kasi si Jake ng banana que na niluto ni Ate Martha, yung cook namin. Ako naman, ayoko lang talaga mag-swimming.

"Dude, bakit ka may yaya? Kailangan mo pa ba yun?" tanong ni Jake bago sya kumagat dun sa saging.

"It wasn't my idea." mahina kong sagot.

"Alam ko, madalas ko kaya kayo marinig ni Mamu nagtatalo dahil lang sa yaya."

"Kasi nga, ayoko naman talaga ng yaya. Hindi na ako bata. 23 na ako. Kaya ko na sarili ko."

"Pero gusto lang naman siguro ni Mamu na mapadali ang mga bagay para sayo. Lalo na't pinagsasabay mo yung pagbabanda at pagtatrabaho sa kumpanya nyo."

"Siguro nga.."

"Pero Dude maganda yung yaya mo ah. Mukhang type nga si Roy e." sabi ni Jake sabay tingin kay Roy.

"Type ko din naman sya e." nakangising sabat ni Roy.

"Wag sya, Roy. Iba nalang. Dun ka nalang kay Buttercup." yung babaeng kahalikan ni Roy dun sa Terrazzo.

"Uyyy~ concerned kay Yaya!!" pang-aasar ni Von.

"Tch. I mean, magkaron ka naman ng class at taste, Roy. Wag kang papatol sa isang katulong lang." sabi ko.

"BABY BOY!"

What the?! It's Mouse's voice. That annoying mouse! Why is she calling me 'Baby Boy'? ><

I heard my boys laughing, tsk. Aasarin ako nitong mga to. Bwiset.

"Uy baby boy daw oh!" pang-aasar ulit ni Von.

"Yyyyyiiiii~" -silang apat -_____-

Tumingin ako sa taas, nandun si Mouse sa veranda ng kwarto ko, may winawagayway na...

Na...

O.O

UNDERWEAR?!!!

Agad akong tumayo mula sa edge ng pool, sila Von hindi na makahinga sa kakatawa.

"Ano ba yan, Lee! Pati ba naman brief mo nakakalat kung saan-saan!" -Zeke

"Shut up, Zeke! Wag mo ako igaya sayo." i glared at him then turned it to Anya.

"YOU! BAKIT NASA IYO YAN?!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa si Mouse.

Aish! Inaasar nya talaga ako! ><

"Kasi nasa ibabaw ng kama e! Akala ko.. hahahaha" lalo pang lumakas yung tawa nya "akala ko.. hahahahahaha" tumawa pa sya ng tumawa "akala ko malinis, kaso nung inamoy ko, nasuot mo na pala!"

Tapos humagalpak na naman ng tawa sila Jake, halos nagsusuntukan na nga kakatawa.

Para akong kinain ng lupa sa hiya -____-

"GET THAT SHIT OFF OF YOUR HANDS!!!" bulyaw ko sa kanya.

HUMANDA KA SAKING MOUSE KA! ><

Anya's POV*

"GET THAT SHIT OFF OF YOUR HANDS!!!"

Pagkasabi nya non, tumakbo ako papasok sa kwarto nya at naglumpasay sa kama nya kakatawa.

Sa wakas! Nakabawi din ako :D

Sa tuwing bubullyhin nya ko, gagawan ko din sya ng kalokohan :p

Yung reaksyon nya kanina! Hahaha!

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon