*Lee's POV*
"Ayan na, mag-uumpisa na!" excited na sabi ni Von pagka-bukas na pagka-bukas nya ng tv.
Kumpleto na naman yung banda dito.
Wala si Anya, ngayon kasi yung fashion show nila.
Lahat nga kami nakaabang.
Yung ilang models din kasi sa agency namin ay kasali.
Si Leigh naman, isinama muna ni Vira kina Louie para naman malibang yung bata, para din may makalaro.
Hindi naman kasi sya pwedeng mag-stay ng matagal dito sa ospital.
"Dude, sabihin mo kay Anya ipakilala naman ako sa mga kaibigan din nyang model." sabi ni Von habang tutok na tutok sya sa tv.
"Wag na, lolokohin mo lang eh." sabi ni Roy.
Lahat kami napatingin sa kanya.
"Wow ah." sarcastic na sabi ni Von, "Nagsalita ang hindi manloloko."
"Hindi naman talaga ako manloloko." ngumisi si Roy.
"Eh ano na ba kayo ni V?" tanong ni Zeke sa kanya.
"Ewan ko." sabi nya.
"Panong hindi mo alam? Mahal mo na nuh?" pangangantyaw ni Jake.
"Ligawan mo na kasi." dagdag ni Zeke.
"Pano ba? Di ako marunong eh." Roy scratched his head, "Paturo nga, Lee."
"Tanungin mo lang siya kung pwede mo ba sya maging girlfriend. Sinasabi ko sayo, mabilis pa sa alas kwatro yung sagot nun." sabi ko.
"Sabagay, ikaw lang naman hinihintay nun, Roy." Jake agreed.
"Treat her like a princess. Tignan mo ko kay Louie." proud na sabi ni Zeke.
"May pa-setup-setup ka pa kasing nalalaman. Torpe ka lang pala." Pang-aasar ko sa kanya
"Eh kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon." katwiran ni Roy.
"Ngayon ba sigurado na?" sabat ni Von.
"Tinamaan na talaga ako. Alam nyo yung pakiramdam na buo na yung araw ko kapag nakakausap ko sya? Tapos minsan hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Maya't maya ko sya naiisip. Everytime she smiles, napapangiti din ako." seryosong sabi ni Roy.
"Ay inlababo ka nga tsong!" tinapik ni Jake si Roy sa dibdib.
"Yayain mo si Vira mamasyal. Doon mo sya tanungin. Isipin mo nalang ha, simula nung umalis si Anya dito kayo yung palaging magkasama ni Vira. Dude, maglilimang-taon na kayong nagkakapaan ni V. Tingin mo ba, kung wala syang nararamdaman sayo magtyatyaga sya sumama sayo kung saan mo sya yayain? Ipagluluto at aalagaan ka ba nun kung wala ka lang sa kanya?" sabi ko sa kanya.
Natameme si Roy.
"Ikaw lang hinihintay nun. Bilisan mo na bago mapagod yun sa kakahintay." tumawa si Zeke.
"Sige, sige. Bukas magcoconfess na ako sa kanya." desididong sabi ni Roy.
"Yan!" sabay-sabay naming sabi nila Zeke, Von at Jake.
"O tama na, manood na tayo." nilaksan ni Roy yung tv.
Rumarampa na si Julian kasama yung mga model na galing pa sa iba't ibang bansa, suot yung casual outfit na design ni Anya.
"Maging kasing macho ko lang yang bayaw mong hilaw, magmomodel din ako." sabi ni Von na wala namang pumansin.
The fashion show lasted for an hour, may guests pa silang local singers.