Chapter 17: Confession

989 37 2
                                        

*Lee's POV*

"Sigurado ka bang kaya mo nang gawin to ngayon?" I held onto Anya's shoulders and looked at her seriously.

Sinabi nya sa akin na gusto nya nang umamin kay Mamu, para daw makahinga na sya ng maluwag.

Ako man, matagal ko nang gustong sabihin kay Mamu na mahal ko na si Anya, kaya lang sa tuwing nagkukwentuhan kami, puro nalang si daddy yung kinukwento nya, pati yung anak ni Daddy sa States.

Hindi ko tuloy masabi sa kanya.

Natatakot din kasi ako sa mga posibleng mangyari kapag umamin ako.

Pero dahil gusto nang umamin ni Anya, tutal official na kami, sabay na naming sasabihin kay Mamu ang totoo.

"Oo. Nakapagdesisyon na ako. Halika na, baka hindi natin maabutan si Mamu, pupunta sya sa office ngayon diba? May meeting yun." hinila ako ni Anya papunta sa kwarto ni Mamu.

"Sige sige.. eto na." I just followed her, bilib talaga ako sa lakas ng loob nya, i mean, kahit natatakot sya, lalabas at lalabas talaga sa bibig nya yung katotohanan.

We reached Mamu's room, kumatok ako sa pinto.

"Mamu? It's me, Lee."

"Come in, hijo. I'm just fixing my makeup." narinig kong sabi ni Mamu mula sa loob ng kwarto nya.

I turned the knob and peeked inside, showed my most handsome smile to Mamu.

"Good morning, Mamu. Uhh.. i'm with someone." tapos pumasok na ako sa loob ng kwarto, kasunod ko si Anya, we're holding hands.

"Good morning, hijo." she smiled "ohh.. and Anya, good morning."

"Good morning po, Mamu." Anya greeted lowly.

Napukaw yata yung tingin ni Mamu sa mga kamay namin ni Anya, nawala yung ngiti nya.

Kinabahan tuloy ako lalo, but i never thought of letting Anya's hand go even how hard she claimed it.

"May sasabihin po ako, Mamu." I sat on the couch beside Mamu's dresser with Anya.

"Ano yon?" tumingin ulit si Mamu sa salamin at inayos yung makeup nya.

"Alam mo naman, Mamu, kung gaano kalaki yung pinagbago ko ngayon, diba?"

"Uh-huh." matipid na sabi ni Mamu.

"And we both know na dahil sa isang tao yun, it's Anya." I looked at Anya and gave her a sincere smile.

Ngumiti si Mamu, "Anya has been a happy virus to us. And yes, you changed a lot, you're better now." she looked at me.

I nodded, masaya akong naaappreciate ni Mamu si Anya.

"I'm so thankful that she's here, Mamu. Kahit na.. inaaway ko sya minsan, ayoko pa ding nawawala sya sa paningin ko. You know that feeling na, hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi ko sya nakikita at inaasar? Ganun ako, kapag wala sya, tinotopak ako. Bakit ganun?" I sighed "and then one day, I just realized na iba na pala yung nararamdaman ko. Before, I really wanted siblings, that's why I see her as my sister. Pero hindi lang pala hanggang ganun ang kaya kong ituring sa kanya. Mamu, matagal ko na tong gustong sabihin sa inyo, hindi lang ako makakuha ng tyempo." I heaved a deep breath "Me and Anya, we fell inlove for each other already. Kami na po, Mamu."

Sabay kaming yumuko ni Anya.

Sandaling nanahimik kaming tatlo.

"I knew this would happen.." Mamu sighed.

Bigla nalang lumuhod si Anya sa tabi ni Mamu at nag-uumiyak habang nagsosorry.

"Mamu... sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya.. pinigilan ko po yung nararamdaman ko, promise po.. pero hindi po talaga mahirap mahalin si Lee. Mahal na mahal ko po si Lee. Sorry po, Mamu kung naglihim ako sa inyo. Tatanggapin ko po kung anong gagawin nyo sa akin. Mamu~ sorry po." Iyak ng iyak si Anya.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon