*Lee's POV*
"What?! Hindi kayo makakauwi?"
Nagulat ako sa sinabi ni Mamu sa kabilang linya, 10PM na, wala pa din kasi sila ni Mang Buboy, samantalang kaninang 6pm pa ako nakauwi.
(Honey, malakas kasi ang ulan at hangin dito. Hindi pwedeng pumalaot ang mga roro. Delikado sa dagat. Biglaan kasi yung ulan e, kanina naman maganda yung panahon diba? But don't worry too much, hijo, we'll be safe here. Nandito ako sa hotel natin dito sa Batangas, bukas siguro makakauwi na ako.Tinext ko na si Martha na hindi ako makakauwi ngayon.)
Abnormal nga naman kasi yung panahon, kanina lang may stars pa, ngayon wala na, mukhang uulan na nga din dito. -___-
"*sigh* Okay, Mamu.. Buti hindi pa kayo nakakasakay sa roro nung umulan. Wag basta-basta lalarga kapag hindi maaraw bukas, Mamu ha? Unpredictable na talaga ang weather ngayon."
(How sweet naman my apo~)
Humagikgik si Mamu.
"Mamu~ Natural lang na magkaganito ako, ang layo mo kasi sakin e, nag-aalala lang ako sa inyo. Lalo na kanina.. hindi ko kayo ma-contact."
(Deadbatt ako kanina. I was planning to call you naman talaga, unfortunately, papatay-patay yung kuryente dito, ipinapahanda ko na nga yung mga bago nating generator. Anyway, kamusta pala yung lakad nyo ni Anya kanina?)
"It was.. fun. Niyaya ako ni Anya dun sa madalas nyang kainan nung high school sya. Masaya palang kumain sa karinderya, Mamu." nakangiti ako habang sinasabi ko yan.
(At last! Ngayon ko lang ulit narinig sa'yo yan. The last time na narinig ko yan ay nung huling bakasyon nyo pa ni Priscy sa Boracay.)
Psh -___-
"Mamu, stop talking about her."
(She's not what I'm totally talking about, I'm referring to your enjoyment. I'm glad you're having fun again, hijo. Anyway, karinderya sounds good, huh. Ano namang kinain nyo dun?)
"Thanks, Mamu.. oh the karinderya, maraming pagpipilian pero pinili ko yung pinakapaborito ko, yung caldereta. You should try eating there, Mamu. Mura lang pero mabubusog ka talaga, masarap pa "
(Wow~ next time, sabihin mo kay Anya next Sunday dalhin nya tayo dun. So pano? Magpapahinga na ako, ikaw din, maaga ka pa sa office bukas.)
"Can I just stay at home tomorrow? Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko e, nahihilo ako, Mamu."
Nandito ako sa couch sa living room ng 2nd floor namin. Kanina lang pag-uwi namin ni Anya, may nararamdaman na akong kakaiba.
Para akong nahihilo na nasusuka.
Ewan. -___-
Uminom na ako ng gamot kanina, pero ganun pa din.
(Just assure me It's not an alibi, hijo.)
"Mamu~ i'm really feeling weird. Maybe I need time to rest. Please~"
(Okay.. I have my eyes on you, ha? I trust you naman. Sige, magpahinga ka na. Kapag hanggang bukas masama pa din ang pakiramdam mo, ipatawag mo kay Martha si Dr.Galvez.)
Si Dr.Galvez, family doctor namin.
Ayoko nga ng doktor -___-
Ayoko ng ospital -___-
Ayoko ng injection ><
"Okay po~ Good night, beautiful Lavinia Montemayor, Love you, 'Mu.." napapikit nalang ako dahil umiikot yung paningin ko.
(Good night, handsome Lee Montemayor.. I love you, too.)
Pagkababa ko ng phone, bigla ko nalang naramdaman ang ginaw.
