Chapter 31: A Blessing

1K 36 2
                                        

*Anya's POV*

"Bonjour, Monsieur, Mademoiselle. (Good morning, Sir, Miss.)" bati ng bawat maid na makakasalubong namin pagkapasok na pagkapasok palang namin sa mala-palasyong bahay nila papa dito sa Bourse.

"Bonjour.. (Good Morning..)" bati ko din sa kanila habang nakangiti.

Nagpaturo ako ng ilang French words at phrases kay Papa para naman hindi ako mukhang ewan kapag kaharap ko na yung lolo at lola ko.

Pumasok kami ni Papa sa master's bedroom at doon, nakahiga sa malawak na kama ang dalawang matandang binabantayan ng apat na nurses.

Lumapit kami sa kanila.

"Ma, Pa. I'm back with my daughter." matipid na sabi ni Papa.

Agad namang nagpatulong bumangon sa mga nurse yung dalawang matanda.

"Siya na ba ang apo ko?" tanong nung matandang babae na maluha-luha pang inabot ang mga kamay ko.

"Yes, Ma. Her name is Anya. Anak namin ni Samantha." pagsang-ayon ni Papa.

"Anya.. Come.. I wanna give you a hug." sabi ulit nung matandang babae.

Naupo ako sa tabi nya at niyakap ko sya, "Lola.. kamusta po kayo?"

Buti nalang pwede ako magtagalog.

Pure Pinay daw kasi si Lola, si Lolo lang ang pure French.

"I feel better now. I wanna say sorry for what happened to your mother." sabi ni Lola sa pagitan ng pagsinghot nya.

Ngumiti ako ng bahagya, pinili ko na lang wag magsalita.

"Pa, Anya and I will stay here for more years. She said she want to study college here." sabi ni Papa nang maupo sya sa tabi ni Lolo.

Tumango si Lolo at tinignan ako, inabot nya yung kamay nya sa akin at pinalapit ako sa kanya.

"Hindi na sya nakakapagsalita pero nakakarinig naman sya. Dalawang beses na kasi siyang na-stroke." sabi ni Papa.

Agad akong lumapit kay Lolo.

"B-Bonjour, Grand-père!" naiiyak pero masaya kong bati sa kanya bago ko sya yakapin.

Hinawakan ako ni Lolo sa pisngi at pinunasan nya yung luha ko gamit yung kamay nya.

Lalo tuloy akong naiyak dahil sa ginawa nya.

Ano kayang nasa isip ni Lolo?

Sana nasasabi nya yung gusto nyang sabihin.

Tinapik ako ni Papa sa likod ng bahagya, "I'm sure your lolo is very happy."

Lumingon ako kay Papa, "Dito na po tayo titira?"

"Yes... for good." nakangiting sabi ni Papa.

----

*Lee's POV*

Dalawang araw matapos yung pag-alis ni Anya, I've decided to have a vacation, too.

I went to Batangas.

Dito muna ako for a month.

Kinausap ko na yung mga kaibigan ko, napagkasunduan namin na si Louie muna yung gawing vocalist ng banda habang wala ako.

Dito ko napiling mag-stay sa resort, tutal pwede ko na rin namang i-manage to since nasa Manila si Dad.

I just want to make myself busy para medyo makalimot sa mga problema.

Ano na kayang nangyari kay Anya?

Nami-miss ko na yung kakulitan at kasweetan niya.

I sat on the couch facing the sea at the veranda with my guitar.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon