*Lee's POV*
"Ser Lee? S-Ser Lee, Good morning po. Merry Christmas." halatang nagulat si Mang Buboy nung nakita nya akong bumaba ng taxi "napaaga po uwi nyo ah!"
I smiled a bit.
"Merry Christmas po. Pasok muna ako, pakisabi wag po ako gisingin." dumirecho na ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas.
6:30AM palang.
Gusto ko munang matulog.
Pagpasok ko sa kwarto ko, ni-lock ko na yung pinto.
I plopped on my bed.
Anya, anya, anya!!!
Bakit ganon?!
Wag ganon!
Psh!
*****
*Anya's POV*
Christmas Day.
Gumising ako ng maaga para batiin ang lahat ng isang maligayang pasko!
Lately, nagiging malalim ako mag-isip.
Madami kasing nangyayari.
Mga bagay na hindi ko inaasahan.
Mga bagay na hindi ko naiintindihan.
Ako lang mag-isa sa kwarto..
Nagmadali akong mag-ayos at lumabas ng kwarto.
Pumunta ako sa suite ni Lee at kumatok.
"Sir? Gising na po~ pasko na~" may hint ng tuwa sa boses ko.
Ayokong maging awkward kami ni Lee kahit may nangyari kahapon.
Gusto kong bumalik sa dati, yung kinukulit ko si Lee at sinusungitan nya ako.
Kaysa naman sa mabait at sweet sya sa akin pero hindi naman ako masaya dahil may taong naaapektuhan.
Kahit papano, mas mababawasan yung ilang ko sa kanya kapag babalik kami sa dating gawi namin.
"Sir~" kumatok pa ako ng kumatok.
"Excuse me po, wala na pong tao dyan. Umalis na po sya kaninang madaling-araw." sabi nung isang chamber maid.
Umalis?
Bakit hindi sya nagsabi? -___-
Iniwan nya ako! ><
"Ah ganun ba? May kasama ba sya?"
"Hindi ko po sigurado kung kasama nya yung lalaking matangkad na kaka-check in lang kagabi. Magkasunod lang kasi silang umalis at tsaka may pagkakahawig sila e, mag-ama yata yun." sabi nung chamber maid.
Mag-ama?
Lalaking matangkad?
Baka yun yung nagtatanong sa akin kagabi.
[FLASHBACK]
Papunta sana ako sa kubo para tignan kung naiwan ko doon yung cellphone ko, kaso hindi na ako tumuloy kasi may nakita ako.
Nakita kong nag-kiss si Lee at Priscy.
Pakiramdam ko nun nanghina ako.
Hindi ako sigurado pero parang nakaramdam ako ng selos.
Selos nga ba?
Ewan..
Haay.. pati feelings ko magiging weird na din.
Naglakad nalang ako ulit pabalik sa hotel nang may makasalubong akong lalaki.
Gwapo pa din kahit may edad na.
