*Anya's POV*
One message received.
-----
From: Baby Boy ♥
To my prettiest baby,
Hi! :) Good morning. Siguro pag gising mo nasa biyahe na ako papuntang Cavite. Gusto ko kahit wala ako dyan today, ako ang unang babati sayo ng Happy Valentine's Day. Siguro naman nakita mo na din yung bear na katabi mo ngayon. Baby natin yan, gusto kong bigyan mo sya ng pangalan pero I suggest na Cheri na lang since girl naman yan. Kung bakit Cheri? Nag-research ako, cheri means sweetheart in French. :) Okay lang kung gusto mo baguhin, sinuggest ko lang naman.
Basta baby girl babawi ako mamayang pag-uwi ko. Kita nalang tayo mamaya. I love you.
4: 26 am
February 14, 2014
------
Pagkagising ko, phone ko agad ang hinawakan ko, may message. Chineck ko at ito agad yung nabasa ko. ♥
Nakakabuo ng araw diba? :)
Ang aga-aga kinikilig kaagad ako.
Ang sweet lang ng baby boy ko.. thoughtful pa.
Niyakap ko yung bear na katabi ko, si Cheri(Sheri).
Iibahin ko pa ba yung pangalan?
Daddy na nga ang nagdecide, kokontra pa ba ang Mommy? XD
Waaaaaaaaah! Nakakabaliw ka, Lee!
Bumangon na ako at nagtoothbrush kasama yung bear.
Maaga ako ngayon, tutulong ako kay ate Martha magluto ng breakfast para kay Mamu. :)
Nakauwi na sya kahapon, medyo nag-extend pa nga sa States dahil natuwa daw sya dun sa dalawang apo nya, half brother and sister ni Lee.
Gusto kong maging special tong araw na to para sa aming lahat, puro good vibes lang sana.
Iniwan ko muna yung bear sa kama ko at bumaba na ako para tumulong sa kusina.
Lahat sila nakapula.
Tradisyon na yata to ng mga pinoy, ang magpula tuwing sasapit ang araw ng mga puso.
Masaya ako, first time kong magba-Valentine's ng may iniibig. Haha! Masaya ang puso ko ngayon.
Nagpeprepare kami ng table nung marinig naming palapit na si Mamu sa dining area, may kausap sa phone.
"Yes, hijo.. I've seen the flowers./You're so sweet.. thank you./Happy Valentine's day din./Oh ingat kayo sa pagda-drive ha?/Sige na.. call me when you got there./I love you, too. Mamu loves you./Sige, bye."
"Ate Martha, andyan na si Mamu." excited na sabi ko kay Ate Martha, tapos na naming ayusin yung mesa.
"Oo nga. Sana magustuhan nya tong mga hinanda natin. Ito daw yung mga pagkain na makakapagbigay sigla sa puso ng kakain nito." masayang sabi ni Ate Martha.
"Oh. Good morning everyone. Happy heart's day." nakangiti si Mamu nang umupo sya dun sa hapag.
"Good morning po, Madam." sabay-sabay na bati nung mga maid.
"Wow. Ang dami nyong hinanda. Bakit hindi nalang tayo sabay-sabay kumain?" suggest ni Mamu.
Woah.
Sobrang bait talaga ni Mamu. ^^
"S-sigurado po kayo, Madam? Nakakahiya naman po sa inyo.. ayos lang naman po kami." sabi ni Ate Martha.
"I'm sure and I insist. Tara, let's eat together. Tawagin nyo na din yung guards at drivers. Anya, hija, come on let's eat." pagpupumilit ni Mamu.