*Lee's POV*
"Dude, kinakabahan ako."
"That's natural. Handa mo na yang mukha mo. Sabi kasing wag ka muna magpakita eh, makulit ka naman. Bahala ka." Roy smirked before taking a sip on his americano.
Vira giggled, "Hindi ka naman siguro masasampal. Pero hindi nya pa alam na kasama ka, sinabi ko lang kasama ko si Roy."
"Nasan na daw sya?" kabado pero excited kong tanong.
"In 10 seconds, masasampal ka na." nakatingin si Roy mula sa labas ng caffe.
Doon, kakababa lang ng isang mala-anghel na babae sa taxi.
Nagsimulang kumabog yung puso ko, hindi ko alam kung paanong upo ang gagawin ko, nakatapat naman sa amin yung centralized aircon pero pinagpapawisan ako.
Pagkapasok ni Anya, sinalubong na kaagad sya ni Vira para yakapin.
Roy and I stood and smiled.
Ngumiti si Anya kay Roy at bumeso bago sya maupo.
Parang hindi nya ako nakita, ni hindi nya ako tinignan o kahit inirapan man lang sana.
Para akong utot na nakidaan lang sa kanila.
"Kamusta ka, Vira? You've changed a lot. Ikaw din, Roy, lalong gumagwapo ha." masayang bati ni Anya sa kanila.
"Ikaw kaya yung malaking pinagbago. Di ka na ma-reach teh. Pag tumabi ako sayo baka magmukha akong julalay." Vira giggled.
"How's France, supermodel Anya?"biro ni Roy.
"Oy grabe kayo! Ako pa din to. Kayo talaga.. Masaya sa France. Pero mas masaya sa Pinas syempre." natatawang sabi ni Anya.
Di talaga nya ko pinapansin.
Try ko nga magpapansin.
First time ko tong gagawin.
I looked around and faked a cough.
She glanced at me!
Nakita ko yun! Haha
Pero hindi niya ko inintindi -.-
"Syempre! Nandito mga kaibigan mo nuh!" sabi ni Vira.
"Oo naman.. at syempre iba pa din kapag nasa Pinas." ngumiti si Anya.
Na-miss ko talaga sya...
Kahit hindi nya ako pinapansin, masaya parin ako.
Yung fact na magkasama kami sa loob ng isang caffe, parehas kami ng hanging nalalanghap, abot-tanaw ko sya at naririnig ko ang boses nya... that already makes me glad.
Bonus nalang kung kausapin nya ako.
But I have this feeling na kakausapin nya ako ngayon, I'll just keep on trying.
"Nga pala, anong gusto mong orderin, Anya?" excited kong tanong sa kanya.
Hindi nya ako pinansin.
She just turned her gaze around.
"Uhm.. Vira, Roy, lipat tayo ng table kasi masyadong malamig dito sa pwesto natin eh. Mahangin masyado eh.."
"Ah ganun ba? Sige." tumayo si Roy at naghanap ng mas magandang pwesto.
Sumunod naman si Vira at Anya kaya tumayo din ako.
Nakakita si Roy ng table for 4 pero inilipat ni Anya sa kabilang table yung isang upuan.
Naupo silang tatlo at naiwan akong nakatayo.
"You want something to drink? I'll order." offer ni Roy kay Anya.
