[ANYA'S POV]
"Para kang prinsesa, Anya.. napakaganda mo. Pakiramdam ko mahuhulog ang puso ko sa tuwing ngumingiti ka.. pwede bang akin ka nalang?"
Napangiti ako sa narinig ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinikilig ako kahit hindi ko pa naman nakikita 'yong mukha nung nagsasalitang lalaki sa likuran ko?
Ang lamig ng boses niya.
Pati yata patay na buhok at kuko mabubuhay dahil sa ganda ng boses niya!
Naramdaman kong humawak siya sa balikat ko.
Ang init ng kamay niya at ang lambot! Hindi yata uso ang kalyo!
Grabe na 'to! Haharap na ako! Dahan-dahan akong lumingon..
Isa..
Dalawa..
Tat---
Hey watcha gonna do with that big fat butt? Wiggle wiggle wiggle!
Biglang tumunog 'yong phone ko.
I opened my eyes.
Shit!
Panaginip na naman?
Bakit?!
Lagi nalang!
Minsan ko nga lang maramdamang kiligin, sa panaginip pa!
Hay buhay!
Jason Derulo naman oh! Wrong timing eh!
Nag-alarm nga pala ako kagabi.
Sayang naman 'yong moment ko sa panaginip.
Sino kaya 'yong lalaki?
Si Enrique Gil?
Si Enchong Dee?
Sayang! 'Di ko nakita!
'Di bale, baka to be continued mamayang gabi haha!
Anyways...
Hello Philippines and Hello World! Good morning!
Namintana ako at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
December na! Malapit na ang pasko.
Ang wish ko, sana bumait na si Tita.
Kahit wala nang aginaldo! Basta bumait lang si Tita, keribels na 'yon!
Sana. Sana. Sana.
"ANYAAAAAAA!!!!"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
Speaking of the de-
Speaking!
Period.
6AM palang at ang aga mambulabog ni Tita.
Binuksan ko 'yong pinto ng kwarto ko habang sinusuklay ko 'yong buhok ko. Kakagising ko lang kaya! Ni hindi pa nga ako nagmumumog!
Bumungad sa harapan ko ang imahe ng isang babaeng naka-daster, puno ng rollers ang buhok at may hithit na sigarilyo- si Tita Shirley, panganay na kapatid ni Mama.
"Anya.." wow nakangiti si tita, maganda ang gising? Granted na ba agad 'yong wish ko?
"Ano po 'yon, Tita?" Syempre ngumiti din ako.
"'Yung sweldo mo akina." Toinks.
"S-sweldo po? Eh Tita 'di po ba naibigay ko na po sa inyo 'yong kalahati kagabi? 'Yong.. sa renta ko po?"