*Lee's POV*
"Lee, may gusto maki-jam." inabot sa akin nung waiter yung isang tissue na may kasamang 500php.
Kinuha ko yung tissue.
"Okay! We've got a yellow baby here~" winagayway ko yung 500 na sinabayan naman ni Roy at Jake ng maikling sound effects.
"Let's see who sent this." binuklat ko yung tissue at binasa yung nakasulat don "Hi TBC! I want to jam with you. Please play T.Swift's Crazier. I dedicate it to my boyfriend, Lee. -Anya"
As I finished reading it, bigla akong kinilig :D
Hahahaha hindi maalis sa mukha ko yung ngiti.
"Guys! Let's call for our request sender, my girlfriend, Anya~"
Nagpalakpakan yung mga tao, yung iba nga humihiyaw at sumisipol pa.
Tumayo si Anya, "Huh? Bakit ako? Wala akong sinesend na request~"
Bumaba si Louie para sunduin si Anya.
--
*Anya's POV"
"Okay! We've got a yellow baby here~ Let's see who sent this." binuklat ni Lee yung tissue na inabot sa kanya ng waiter.
Ang cute pala ni Lee kapag may gig sila dito.
Parang nag-iiba yung personality nya kapag nakatungtong sa sya sa stage.
Nagiging madaldal sya, palatawa at mas lalong nakaka-inlove dahil kapag kumanta na sya, makikinig ka talaga, damang-dama mo yung emotion nya.
"Hi TBC! I want to jam with you. Please play T.Swift's Crazier. I dedicate it to my boyfriend, Lee. -Anya"
Halos mahulog ako sa couch na kinauupuan ko nung basahin ni Lee yung nakasulat sa tissue.
Panong nangyari yun?!
Ni hindi ko pa nga tinatawag yung waiter dahil hindi pa ako umoorder.
Tumayo ako, "Huh? Bakit ako? Wala akong sinesend na request~"
Maya-maya lang, lumapit na sa akin si Louie.
"Come on, Anya~ wag ka na mahiya! Ang ganda kaya ng boses mo!" sabi ni Louie habang hinihila yung kamay ko.
"Eh pano nangyaring may request ako? Wala naman akong nirerequest eh~"
"I wrote it. Sige na, please~" pagpilit nya.
"Sintunado ako eh."
"Uy wag mo nga ko lokohin, narinig kitang kumanta habang nag-iimpake ka nung nasa Batangas tayo. Come on~ di ka naman papabayaan nyan ni Lee."
Sumunod nalang ako kay Louie kahit sobrang kinakabahan ako.
First time ko kasi to.
Kumakanta ako, oo, pero sa banyo at videoke lang!
Pero sa bar?
Dito sa stage?
Kaharap ng maraming tao?
Kasama ng boyfriend ko at mga kaibigan namin?
Hala~ para tatalon yung puso ko palabas ng dibdib ko sa kaba!