Chapter 21: Awkward!!!

1K 38 1
                                        

*Zeke's POV*

I just kissed Louie.

Akala n'ya siguro hindi ko kayang gawin.

Yung ibang babae nga nahahalikan ko kahit hindi ko kilala eh, s'ya pa kaya?

Edi natulala s'ya ngayon.

Pero hindi s'ya nagalit.

Dapat magalit s'ya 'di ba?

Kasi palagi n'ya sinasabi sa akin na dapat 'yung first kiss n'ya, do'n lang sa taong mamahalin n'ya.

Sa unang magiging karelasyon n'ya.

Ibang klase kasi 'yung tibo na 'yun eh, sinayang n'ya 'yung kagandahan n'ya.

Ang daming nagtangkang manligaw sa kanya, pero ni isa, wala s'yang in-entertain.

Lagi lang s'ya nasa bahay namin, nakikipaglaro sakin ng playstation.

Sabi nga nung mga kakilala namin, buntot ko daw si Louie.

Hahaha totoo naman eh, lagi s'yang nakasunod sa akin.

I remember the time when I had my first tattoo, 'yung nasa upper back ko, nakatattoo do'n 'yung initials ng first love ko.

Nakalagay 'LSS' na naka-gothic.

'Yung first girlfriend ko kasi, Lianne S. Samonte yung pangalan.

Sabi pa nga ng ate ko, baka daw Louisiana S. Sarmiento yun.

Hahaha!

Sagot naman ni Louie, nagkataon lang daw.

Galit na galit sakin si Louie no'n.

Bakit daw 'di ko sinabi sa kanya na magpapa-tattoo ako.

Sa sobrang tampo n'ya, nagpa-tattoo rin s'ya sa lower back n'ya.

Chinese characters na kahit kailan hindi n'ya sinabi kung anong ibig sabihin.

Bugnutin talaga 'yun nung kabataan namin, iyakin pa at pikon.

Kaya isang malaking himala na hindi n'ya ako hinabol at sinuntok o sinabunutan nung hinalikan ko s'ya.

Naisip ko tuloy... hindi kaya nagustuhan n'ya?

I smiled to myself with such thoughts in my head nang biglang..

"Zeke?" may babaeng tumawag sakin mula sa 'di kalayuan.

Lumingon ako para hanapin.

I saw Kira, 'yung ex kong spoiled brat.

High school ko pa s'ya naging girlfriend.

Well, hindi ko naman talaga s'ya niligawan, she was the one who sent me love letters and gifts.

Varsity kasi ako ng soccer no'n, hindi sa pagmamayabang pero madami talaga akong fans.

Isa na do'n si Kira.

Maganda si Kira, sexy din, 'yun nga lang may pagkamaldita at tamad.

Palagi n'ya pinagseselosan si Louie.

Bakit daw lagi kong kasama si Louie?

Bakit daw lagi ako nakaakbay do'n?

Bakit lagi raw kaming sabay kumain no'n?

Napaka-possessive n'ya, 'yun ang inayawan ko sa kanya.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon