Chapter 32: Everything has changed

994 36 1
                                    


*Lee's POV*

[4 years later]

"Lee, anak, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa baba. May lakad pala kayo ngayon." I heard Dad's voice coming from my room's door.

Alam kong aalis kami ngayon, pero tamad na tamad talaga akong kumilos.

"Yeah, Dad, I'll be there in a few.." I rolled out of my bed and went straight to the bathroom.

It's almost evening.

Buong araw lang akong nakahilata sa higaan ko, having random thoughts about me and the people around me.

Ganito na ang daily routine ko ngayon.

I've been like this for four years... you know, since Anya and I parted.

It took me an hour to prepare.

"Tagal mo, Dude. Naka-ilang rounds na kami ng snakes and ladders oh." kamot-ulong sabi ni Von habang pababa ako sa hagdan dala yung gitara at backpack ko.

"Alis na tayo." I said coldly, ni hindi ko sila binati, dumirecho na ako sa labas, sa kotse ko.

Sumunod sila sa akin.

Fortunately, buo pa din ang banda namin, hindi na nga lang kami tumutugtog sa Terrazzo, sa mga hotels na kami umiikot sa loob ng isang linggo.

Ngayon, naka-schedule kami sa isang hotel sa Makati.

I led the way, gabi na nung makarating kami doon.

Ang daming tao sa lobby, mukhang may hinihintay, may mga press at fans. Yung ibang fans, may hawak na banner with 'Juleianna' written on it.

Sino ba si Juleianna? Is she even popular? Bakit di ko kilala?

Naupo nalang muna kami dun sa mga couch sa lobby, maaga kami ng 30 minutes para sa performance namin.

"Sino kaya yung Juleianna na yun? I bet she's hot and sexy. Ang dami niyang fans na lalaki." Von said in a perverted way.

"Babae na naman." napailing si Jake, "Bakit di mo gayahin si Roy? Behave na kay Vira."

Ngumisi si Roy, "Yan na naman kayo, Vira and I, we're just good friends."

"Ah kaya pala nung kasal ko, nakita ko kayo nag-kiss." pang-aasar ni Zeke, "Anak ko pa mismong nagturo sa akin."

Tumawa lang si Roy.

"See? Pati pala bata nabuking ka na. Tapos ayaw mo pa din umamin. What kind of creature and species are you?" patawang sabi ni Von.

"Hay nako bahala kayo. Basta good friends kami ni Vira, tapos." Roy said while smiling.

Buti pa sila. Masaya.

Si Zeke, nakapag-settle na with Louie. May dalawa silang anak, kambal, boy and girl, Luke and Zoey. Kinasal sila 3 years ago at right after malaman namin na buntis si Louie, nagtayo kaagad silang mag-asawa ng grocery. Sa awa naman ni Lord, meron na silang tatlong branches sa Manila.

Roy runs an online shop with Vira. They sell items for men and women. Yung sinasabi nilang 'good friends' sila? Hindi ako naniniwala. I also saw them kissing, ilang beses na.

Si Jake naman, malapit na din maging Daddy. Manganganak na in 3 months yung fiancé nya na si Chin. At kapag naging okay si Chin pagkatapos nya manganak, magpapakasal na sila ni Jake.

Si Von, walang pinagbago, linggo-linggo pa din kung magpalit ng girlfriend. Pero kahit ganon, I envy him. He gets over things easily, hindi katulad ko, kapag may dumating na problema, nagiging miserable na ako. Bukod sa pagbabanda, nagtuturo din sya sa mga bata tumugtog ng iba't-ibang musical instruments. Somehow I believe, makakahanap din sya ng katapat nya. Magmamahal din sya ng totoo,matututo din yun.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon