*Anya's POV*
[12:00AM]
Matumal sa store ngayon.
Wala masyadong bumibili.
Nakakaantok tuloy.
Binuksan ko yung radyo.
♪Lately, I've been, I've been losing sleep. Dreamin' about the things that we could be... ♪
Naalala ko na naman 'yung panaginip ko nung isang araw, 'yung lalaking hindi ko man lang nakita kung sino.
'Yung boses n'ya, paulit-ulit sa utak ko. Hindi ko makalimutan, mistulang music to my ears.
Napayuko ako do'n sa counter.
Parang lumulundag ang puso ko sa kilig!
Sana kung mananaginip ako mamayang pagtulog ko, s'ya nalang ulit.
Pumikit ako, nire-reminisce ko bawat eksena do'n sa panaginip ko nung nakaraan. Ang sarap sa feeling ng gano'n.
'Yung may taong ang alam lang ay mahalin at pahalagahan ka.
'Yung ikaw lang ang nakikita..
'Yung taong kahit gaano ka pa kadaming flaws ay mamahalin ka ng buong-buo.
Meron ba no'n?
Wala? Bihira?
PERO SA PANAGINIP MERON!
"Miss? I'll take it." kinilig ako! Narinig ko na naman 'yung boses n'ya! Nananaginip yata ako!
"Take it~" napa-giggle ako kasabay ng pag-abot ko sa kanya ng kamay ko. Hindi ko s'ya matignan. Feeling ko mukha na akong kamatis sa pula ng mga pisngi ko.
"Savanna Mouse!"
Ay? Bakit kasama si Sir Ron sa panaginip ko? Naririnig ko 'yung boses nung baklang panot na terror branch manager namin.
"Miss!? Ano ba? Baliw ka ba?" tapos may humampas do'n sa counter kung saan ako nakayuko na ikinagulat ko.
"Ay pucca!" pag-angat ko ng ulo ko, nakita kong tina-tiger look na pala ako ni Sir Ron at nung galit na customer sa harapan ko.
Tapos..
Tapos..
Yung kamay ko..
Tapos yung kamay ko, nakatapat do'n sa mukha nung customer?!
Parang nagpapa-kiss ng kamay, ganun! ><
Nakakahiya! Syete!
Ibinaba ko agad 'yung kamay ko.
"S-Sir.. g-good evening. A-ah good morning. W-Welcome to G-Good Time Mart."
Yun nalang ang nasabi ko habang nakayuko at ini-scan yung mga canned beers na binibili nung customer na humampas nung counter.
Naiilang ako kasi alam kong masama pa din yung tingin ng customer sa akin. T.T
"Good? Tch. Kaya naman pala Good Time Mart. Puro good time lang ang alam ng mga crew dito. Tsk." narinig kong binulong nung lalaki.
Hmp! Gwapo sana, suplado lang! Pero kasalanan ko naman kasi -______- hindi ko naman inaakalang yung saglit na pagpikit ko, nakaidlip na pala ako.
Ay hindi! Gising ako!
Pero nananaginip ako! Ang gulo! Basta na-carried away ako huhu T.T
"Lee! Matagal pa ba yan?"
may isa pang gwapong lalaking pumasok sa store, kinausap nya yung gwapong suplado, para silang mga member ng banda, mga rakista.
