Chapter 39: The Conflict

925 35 2
                                    

*Lee's POV*

It's 3 in the afternoon, nagme-meryenda kami sa kubo kasama ko ang banda.

Katatapos lang namin mag-swimming, ngayon na lang ulit kaming lima nag-bonding ng ganito.

"Kakamiss yung ginagawa natin dati. Yung halos araw-araw tayo dito." sabi ni Von habang ngumangata ng mangga na medyo nangangasim pa nga.

"Tama. Mahirap na kasi ngayon, madami na tayong responsibilities. Next month manganganak na si Chin, on hiatus na naman tayo." pag-sang-ayon ni Jake.

"Sino kayang susunod magkaanak? Si Roy o si Von?" natatawang sabi ni Zeke.

"Ako siguro, wala namang bayag yan si Roy eh."

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Von.

"Hoy siraulo ka, Von. Baka gusto mong ikaw tanggalan ko ng bayag dyan." natatawang balik ni Roy sa kanya.

"Ang torpe mo kasi dude kaya ko nasabing wala kang bayag." Von nodded, "Mabagal ka pa kay Pong Pagong. Mauunahan ka na nung utol ni Anya."

Sumimangot si Roy, "Bakit? Nagde-date sila?"

"Hindi mo pala alam? Ilang araw na sila lumalabas." sabi ko.

"Kaya naman pala halos 1 week na nya akong hindi tinatawagan. Yun pala may dine-date na syang iba." sumandal si Roy at binitawan yung kinakain nyang mangga.

"Selos? Di naman kayo sabi mo diba?" sarkastikong tanong ni Zeke, "Di ko masisisi si Vira. Eh simula nung umalis si Anya pinormahan mo na yun ah. Papakamatay pa nga ako kung walang nangyari sa inyo eh. Tapos, ano? Walang commitment?"

"Eh liligawan ko naman talaga sya eh, bumubwelo lang ako." asar na sabi ni Roy.

"Eh pano yan? Lumalabas na sila ni Julian." ngumisi ako.

Well, hindi naman talaga totoong nagde-date si Vira at Julian.

Gawa-gawa lang namin yun para pagselosin si Roy.

Napaka-torpe kasi.

Iniisip tuloy ni Vira na tine-take for granted lang sya ni Roy.

Syempre kasabwat ko yung mga kaibigan ko.

Plano talaga naming asarin si Roy.

Sa puntong yon, nagpasya na kong pasikretong tawagan si Anya para marinig nya yung mga pinag-uusapan namin.

Nilapag ko lang yung phone ko sa mesa at patay-malisyang parang walang ginagawang kalokohan.

***

*Anya's POV*

"Vira! Halika dito dali, natawag na si Lee!" sigaw ko kay Vira nung narinig kong nagring yung phone ko.

Agad-agad namang tumakbo palapit sa akin si Vira sa kitchen.

Tumutulong kami sa paghahanda ng meryenda dito sa bahay.

Nagpapaturo na din ako magluto ng kung anu-ano dun sa cook namin.

Kakahiya naman kapag nagsama na kami ni Lee sa isang bahay tapos parehas kaming hindi marunong magluto.

"Siguro gumana yung plano natin." ni-loud speak ko para marinig namin parehas ni Vira.

"Sana nga." Vira sighed.

"Ano nang plano mo, Roy? Hahayaan mo na lang bang maagaw sayo si Vira?" boses yun ni Lee.

"Hindi ko alam! Magsama silang dalawa. Kunwari pa si Vira eh nasa loob naman yung kulo nya. Ano, papatulan nya yung kapatid ni Anya kasi mas mapera." medyo malakas yung pagkakasabi ni Roy.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon