*Anya's POV*
Pumasok ako sa suite namin ni Priscy matapos yung nangyari sa amin ni Lee.
Nakita ko syang nakadapa dun sa kama nya, umiiyak.
Umupo ako sa tabi nya.
"Mam Priscy, okay ka lang?"
Bumangon sya at yumakap sa akin.
"Anya.. ang sakit-sakit." lalo pang lumakas yung iyak nya.
Niyakap ko din sya.
"Anong problema?" tanong ko habang hinihimas yung likod nya.
"May mahal na syang iba.. hindi na nya ako mahal.."
Si Lee yung tinutukoy nya.
Nakokonsensya ako.
Hindi dapat ako nagpahalik kay Lee.
Alam kong may relasyon sila ni Priscy pero nagpadala pa din ako sa emosyon ko.
Aaminin ko.
Gusto ko si Lee, pero hangga't maaari, pinipigilan ko yung sarili ko.
Kasi hindi kami bagay.
Sa lahat ng aspeto, hindi kami bagay.
"..dapat hindi ko nalang sya iniwanan. Sana pinaglaban ko sya.. sana hindi ako nagpadala sa kahinaan ko. Sana ako pa din yung mahal nya hanggang ngayon."
Kawawa naman si Priscy.
Kitang-kita ko sa mukha nyang nasasaktan talaga sya.
Dapat ba akong matuwa kasi yung taong gusto ko, gusto din ako?
Paano kung may ibang taong nasasaktan dahil sa kaligayahan ko?
Ayokong mangyari yun.
Pero teka..
Bakit ganon yung mga sinasabi nya?
Hindi ko maintindihan..
Paanong iniwan?
Haay.. marami pa talaga akong hindi alam.
"Baka may problema lang si Sir Lee.. hayaan mo, kakausapin ko sya." tinapik ko sa likod si Priscy.
"Salamat, Anya.. ngayon lang tayo nagkakilala pero nagmamalasakit ka na sa akin." sabi ni Priscy habang pinupunasan yung luha nya.
"Ayos lang po, alangan namang titigan lang kita habang umiiyak ka, Mam." nginitian ko sya.
"Priscy nalang. Drop the 'Ma'am'." inabot nya sa akin yung kamay nya "friends?"
Gusto nya kong maging kaibigan?
Gusto ng puso ko pero ayaw ng isip ko.
"Sige. Kaibiganin mo sya. Matagal mo na syang ina-idolize diba? Isa sya sa mga hinahangaan mong model!" -puso
"Wag nalang kaya? Kasi kapag nalaman nyang ikaw yung bagong gusto ni Lee, baka yung pagiging friends nyo ay mauwi sa pagiging frienemies." -isip
Haaay.. sabi ng lola ko, 'Follow your heart.'
Inabot ko yung kamay ni Priscy.
"Friends." nginitian ko sya.
Niyakap ako ulit ni Priscy at huminga sya ng malalim.
"Sige, Anya. Magfe-freshen up lang ako. Kumalat na yung make-up ko.. mukha na akong clown, I guess." suminghot sya at pinunasan yung kumalat nyang maskara gamit yung mga kamay nya.
"Okay, sige." tumango ako.
Nung pumasok si Priscy sa bathroom, pumunta ako sa veranda.
Hindi na siguro talaga ako magiging masaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28179112-288-k815561.jpg)