Chapter 20: Just Keep Breathing

1K 37 3
                                        

*Roy's POV*



"Mauna na tayong mga lalaki bumaba para may mag-alalay sa mga babae pagbaba." sabi ko habang inaayos ko yung mga gamit ko bago kami bumaba sa roro.



Nandito na kami sa Batangas. Sa resort nila Lee.



"Oo nga. Tama si Roy." sang-ayon ni Zeke.



"Mauna ka, Zeke. May kasama kang baby damulag e." ngumisi si Von, tinutukoy nya si Louie.



"Mauuna talaga ako." tumayo si Zeke at tinapik sa pisngi si Louie na antok na antok pa din "Louie.. dito na tayo."



Nakarating na kami sa shore, nagsibabaan na yung iba pang pasahero nung roro. Nagpahuli nalang kami para walang hassle.



"Anya tulungan na kita." I offered nung nakita kong medyo nabibigatan sya dun sa dala nyang travel bag.



"Ay, okay lang, Roy. Kaya ko naman." she smiled.



"Ako na magdadala nyan, Baby." kinuha ni Lee yung travel bag na hawak ni Anya.



Psh.. oo nga pala.



Nakalimutan ko, may boyfriend nga pala sya.



Nagsibabaan na sila sa roro, nahuli kami nila Anya, Vira at Lee.



Nung makababa na ako, inoffer ko yung kamay ko kay Vira since wala namang hawakan yung hagdan pababa ng roro.



"Kaya ko to." sagot nya, ang plastik talaga eh -__-



Kaya daw nya, kahit nanginginig sya sa takot na tumuntong dun sa kapirasong kahoy na tatapakan nya pababa.



"I insist." nilapit ko pa yung kamay ko sa kanya.



"Kaya ko nga sabi. Bat ba ang kulit mo kausap?"



"Psh.. okay. Kaya mo pala e." I shrugged.



Lalakad na sana ako paalis nung biglang..

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon