*Anya's POV*
Masyadong nakakagulat yung mga nangyayari ngayon.
Yung kiss ni Zeke at Louie, yung pag-iwas ni Vira kay Roy, at tsaka parang may iba talaga kay Roy ngayon.. ewan, basta iba yung aura nya.. at hindi lang pala si Roy, silang lahat, nag-iba bigla yung aura.
Nakakaloka yung dinner kanina sa hotel, yung revelation ni Zeke at yung pagwo-walk out ni Louie.
Lumayo muna ako sa kanila, wala akong masabi eh tsaka parang ang sarap kasi mag-muni-muni dito sa buhanginan habang nagpapahangin.
"Nakakalunod naman yang iniisip mo, baby." umupo si Lee sa tabi ko, "andito lang naman ako eh, mahal naman kita, wag mo na kong isipin."
Tumingin ako sa kanya, "Hala? Marunong ka na mag-joke, Dondon?"
Sabay kaming tumawa.
"Eh ano ba kasing iniisip mo?" tanong nya.
"Wala naman.. hindi lang ako maka-move on sa mga nangyayari." hinarap ko sya "diba parang nakakagulat talaga yun?"
Tumango sya, "Nakakagulat talaga.. but on the second thought, hindi na pala dapat kami nagulat dun. Parehas naman kasi silang manhid eh."
"Dondon~ syempre natatakot siguro sila pareho.. ako nga diba, alam ko na sa sarili ko na gusto na kita pero ayokong sabihin sayo kasi iniisip ko kung anong posibleng mangyari. Ganun din siguro yung mindset nila pareho, alam mo na, takot na baka isa sa kanila biglang lumayo." opinyon ko.
"Pero.. kahit na. Tagal-tagal na naming magkakasama eh." sabi nya.
"Eh opinion ko lang naman yun." Niyakap ko yung braso nya "bakit di nalang natin sila i-setup para magkaalaman na?"
Pinalo nya ko sa noo, "Baliw." tapos kiniss nya ko sa lips.
Rawr! xD
Magsasalita sana ako eh, mangangatwiran.. kaso mabilis pa sa kidlat yung nguso ni Lee haha
"Lyndon, Dondon. Anya, Yaya." tumawa sya.