Epilogue

1.1K 36 6
                                    

[Lee's POV]

"Leigh! Halika na! Male-late na tayo para sa lesson n'yo! You can't miss your first day!" sigaw ko mula sa baba ng hagdan.

"Yeah, Dad! I'll be there in a few!" Leigh answered from upstairs.

"Bakit kasi ihahatid mo pa si Leigh eh may driver naman at saka binata na s'ya. Baka mamaya mahiya pa 'yon sa mga kaklase n'ya." Anya asked me as she clang her arms with mine.

"Eh Babe, first day ng music lesson ng mga bata. At saka ngayon lang kami ulit magkikita nila Jake. Gusto mo sama nalang kayo ni Sasha. I'm sure kasama din sila Vira." I smiled at her.

"Ay talaga? Sige sasama kami ni Sasha. Wait lang Babe ha, tawagin ko lang s'ya." Anya grinned and rushed upstairs.

"Careful, mommy." paalala ko sa kanya habang pinagmamasdan ko s'yang umakyat.

It's been 12 years since we got married. Binata na si Leigh at 7 years ago ay nasundan s'ya ng isang napakagandang baby girl namin na si Sasha.

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung pinakasalan ko si Anya... Actually, parang kailan nga lang nung binu-bully ko pa sya, ngayon malalaki na 'yung mga anak namin. At sa mga nagdaang taon na 'yon, masasabi ko talagang lalo naming minahal ang isa't-isa. I see ourselves as a perfect happy family. Yes, we argue sometimes. But we never slept apart, we never slept without exchanging 'sorry', 'thank you' and 'i love you' to each other. We still go out on a date, bukod pa sa family date tuwing Sunday. I have been and still the happiest man in the world. Wala na akong mahihiling pa. I'm contented with what I have. Masaya na akong buo ang pamilya ko at walang may sakit sa amin.

"Let's go, Dad." natauhan ako nang tapikin ako ni Leigh sa balikat.

"Ah, andyan ka na pala. Sige mauna ka na sa kotse, hihintayin ko lang mommy mo." tinanguan ko s'ya.

Tinitigan ako ni Leigh at bigla s'yang natawa.

"What's the matter?" natatawa ko ring sabi.

"Nakakahawa talaga 'yung daydreaming ng mommy, pati ikaw dad nagde-daydream na din." iiling-iling na naglakad si Leigh palabas ng mansyon, bitbit yung gitara n'ya.

Napailing nalang din ako at natawa sa sarili ko. Well, totoo naman ang sinabi n'ya. Nakakahawa talaga 'yung mga habits ni Anya.

"Come on, Sasha. Go to your daddy." pababa na ng hagdan 'yung mag-ina. Sasha is wearing her dress designed by Anya.

Nakakatuwa lang dahil sa edad na 7 ay lumalabas na sa mga magazine si Sasha. Mukhang nagmana pa sa mommy n'ya. Well, I have no problem with that. Si Leigh nga sa akin nagmana. Music lover din s'yang kagaya ko at hindi ko s'ya pinilit mag-music lesson, he was the one who asked me if he could go to the classes on weekends and I agreed right away. Nandito lang naman ako para sumuporta sa kanila.

We buckled up and I drove to Leigh's class. He's 15 minutes late pero ayos lang dahil hindi naman uubra sa akin 'yung teacher niya. *smirk*

NASA hallway palang kami ay dinig na ang 'di magkamaliw na tawanan mula sa studio kung saan papasok si Leigh. Kusa akong napangiti dahil nararamdaman kong magiging masaya ang first day n'ya.

The door's open. Mula sa labas ng studio ay sumigaw ako ng 'HIT THE BEAT!' sa tonong ginagawa ko noon kapag tutugtog kami ng rock.

Natigil 'yung tawanan nila at lumingon lahat sa pinto at sabay-sabay na nagsabi ng 'LEE!' sa tonong excited.

Pumasok ako sa studio at binati silang lahat. Kumpleto kami.

Nandito si Jake at Chin, they got married a few months after us. Kasama nila 'yung nag-iisa nilang anak na babaeng si Saskia. She's 12 years old at nandito din s'ya para mag-aral ng piano.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon