*Anya's POV*
At exactly 7pm, nakadating kami sa sementeryo ni Papa.
Teka?!
Bakit nandito kami?
"Ituro mo sa akin kung saan nakalibing ang mama mo." ngumiti si Papa at kinuha yung mga bulaklak sa compartment.
Ahhh.. kaya pala.
Dadalawin namin si mama ^^
"Okay po. Sunod ka sa akin, papa. Ingat lang kasi baka matalisod po kayo."
Nauna ako since alam ko na yung pasikot-sikot dito.
Medyo nasa dulo pa kasi yung puntod ni Mama kaya mahaba-habang lakaran to.
Nung nakarating kami sa puntod ni Mama, lumuhod kaagad si papa para ialay yung mga bulaklak na dala nya.
"Long time, Samantha.." sabi ni papa, hindi pa din sya tumatayo "I'm sorry..." bigla nalang naging shaky yung boses ni papa, umiiyak na pala sya.
Hinimas ko yung likod ni papa bilang comfort.
"I know it's too late but I want to apologize for everything. Kung hindi kita iniwanan noon siguro wala ka dito.. siguro masaya pa rin tayo."
Pati ako naiiyak na din.
Tama si Papa, It's too late.
"Maniwala ka sa akin, minahal kita, Samantha.. pero hindi naging sapat yung pagmamahal ko sayo para mailigtas kayo ng anak natin sa kapahamakan. Araw-araw kong pinagsisisihan na pinabayaan kita, kayo ni Anya. But I promise you, I'll take care of our daughter, I'll love her no matter what." nakayuko si Papa "Please forgive me, Sam.. I'll make it up to you, sa paraang alam ko, I won't ever leave our daughter. I'll treat her like a princess.. like the way I treated you before. I'll focus on her." pinunasan ni Papa yung mga luha nya at tumayo, hinawakan ako sa kamay "Thank you, anak. Salamat dahil pumayag kang sumama sa akin."
"Wala po yun, Papa ko kayo eh." niyakap ko si Papa "Sigurado po ako masayang-masaya si mama ngayon, kasi for the first time, nabuo yung pamilya natin." ngumiti ako.
Tumango si papa, "Let's go?"
"Sige po. Ma, alis na po kami."
Parang nagpapaalam lang sa buhay diba?
"Till next time, Sam." ngumiti ng bahagya si Papa, "Let's go."
Bumalik na kami sa sasakyan ni Papa.
Sumandal ako sa balikat ni papa at yumapos ako sa braso nya.
"Papa.. nung una mo ba akong nakita anong naging first impression mo sakin?"
"You look sweet and selfless. Unang kita ko palang sa'yo, naramdaman ko nang anak kita."
Tumango ako, "Ahh.. ako pa, kung tatanungin mo ako kung anong first impression ko sa inyo, wala po akong masasabi."
"Why is that?"
"Wala akong masabi kasi hindi naman po naging importante sa akin kung anong klase kayong tao eh.. gusto ko lang kasi na makilala ko na kayo."
Inangat ko yung ulo ko at ngumiti, "Bonus na po sa sakin yung pagiging gwapo, mabait at thoughtful nyo."
Tumawa si Papa, "Manang-mana ka sa mama mo." Napailing sya "Are you hungry?"
Pinakiramdaman ko yung sikmura ko, medyo nagwawala na nga yung mga micro organisms ko sa tyan haha
"Medyo po."
