*Lee's POV*
It's Mamu's wake..
Pinagmamasdan ko yung mukha ni Mamu.
Still the most beautiful woman..
Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap, iiwanan nya ako kaagad.
Sobra pa din akong nalulungkot, pero ewan ko ba.. ubos na yata yung luha ko kakaiyak, o talaga sigurong ayoko nalang na makita nila akong nagmumukmok..
Lalo na si Anya at yung mga kaibigan ko.
Mula sa ospital hanggang dito sa funeral home, hindi nila ako iniwanan.
Thankful ako dahil may mga taong hindi parin ako iniiwan.
Nakakalungkot lang sa tuwing maiisip ko na talagang wala na si Mamu.
Yung pinakamasakit?
Nawala sya nang wala akong nagawa.
"I'm sorry ngayon lang ako.."
Lumingon ako dun sa nagsalita at tumapik sa balikat ko.
"Zeke." I stood up.
"Condolence, dude." Tinapik nya ako sa balikat at niyakap ako "Wag kang iiyak ah, hindi bagay sayo."
Napangiti nalang ako, "Wala na.. tuyo na yung mga mata ko kakaiyak."
He released the hug and walked towards Mamu's coffin.
Pinagmasdan nya sandali..
He stared with a fainted smile.
"Hindi pala ako nagpaalam kay Mamu bago ako umalis nuh? Ni hindi ako nakapag-thank you sa kanya. She's like my third grandma." sabi ni Zeke at inagapan ng punas yung nagbabadya nyang luha "But it's okay.." ngumiti sya "Tapos na yung duty nya, I know she's happy with your Papu already."
