*Lee's POV*
"Hijo, aalis na kami. Aren't you going to say something to your daddy?"
Nasa garden ako ngayon, hawak yung gitara ko at yung notepad na may chords at lyics ng mga kantang madalas i-perform ng banda ko sa mga gigs.
Eto na naman si Mamu..
Pilit pa rin akong pinapakausap kay Lyndon. -__-
Ngayon na aalis si Lyndon, yung anak ni Mamu..
Osige na nga, yung tatay ko. -__-
Sasama si Mamu sa states, siguro 2 weeks lang daw.
Yung kumpanya? Hindi sa akin ibinilin.
Dun sa OIC namin.
Isang linggo na akong hindi pumapasok.
Lumalabas lang ako pag may gig.
Magsasalita sana si daddy pero inunahan ko na sya.
"Wala naman akong sasabihin, Mamu. I've mentioned everything to him. Hindi na din nya kailangan magpaalam. Sanay na kong bigla nalang syang umaalis.pakisabi nalang sa kanya, wag na syang babalik dahil ayoko na syang makita."
Kitang-kita sa mukha ng daddy ko yung lungkot.
Ganun din kay Mamu.
"Take care, Mamu. Don't forget your medicines and milk." niyakap ko si Mamu at umupo na ako ulit dun sa pasimano ng terrace sa garden.
"Eat on time, hijo. Binilin ko kay Anya na sabayan ka nalang tuwing kumakain ka. And please, hijo, wag mo nang awayin si Anya. Nahuli kong umiiyak yun kagabi. O sya, sige na, we'll go ahead." hinalikan ako ni Mamu sa ulo.
Yayakapin sana ako ni daddy.
"Don't you dare." sabi ko.
He sighed, "I love you, son. And I'm sorry for everything. I hope i can make it up to you someday. Patawarin mo ako kung naging makasarili ako noon. Hindi kita pipiliting sumama sa akin sa america, ingatan mo ang sarili mo dito. And.. I just wanna say that I'm so proud of you, son.. Let's go, Ma."
Tapos umalis na sila.
Naiwan akong tulala.
Galit nga ako sa daddy ko, pero para malaman kong gusto nya talagang bumawi sa akin, it gives me hope somehow.
At sinabi nyang proud sya sa akin.
Masarap sanang pakinggan kung tama lang yung sitwasyon, kaya lang hindi.
"Okay ka lang?" nakatayo si Anya dun sa pinto.
"Kanina ka pa jan?" nakasimangot kong tanong sa kanya at ni-review ulit yung mga chords sa notepad ko.
"Ngayon lang." umupo sya sa tabi ko "ang aga mo nagising ah. Siguro gusto mo makita daddy mong umalis nuh?" ngumiti sya.
"Gusto mo hagisan ulit kita ng palaka? Yung mas malaki pa kaysa dun sa hinagis ko sayo kagabi?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
Hahaha!
Hindi ko alam na palaka lang pala makakapagpatili sa babaeng to.
Katulad kagabi.
[Flashback]
"Lee? Nasaan ka? May tumatawag sa phone mo~"
Nandito ako sa gilid ng kubo namin, nakakita kasi ako ng bullfrog kaya nilapitan ko.
"Lee? Yuhooo~ Baby Boy~~~"
Nakita ko si Anya na naglalakad papalapit sa direksyon ko, hawak yung phone kong nagriring.