Chapter 9: Christmas Gift

1.1K 43 6
                                    

*Lee's POV*

2 Days before Christmas.

Maaga akong nagising, 5AM palang pala.

Maaga natapos ang gig kagabi kaya maaga din akong nakauwi.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan.

Hindi na kasi ako inaantok kaya dun na muna ako sa kubo sa labas.

Papunta na sana ako dun sa pool area kaya lang, natanaw ko na si Anya kaya huminto ako sa paglalakad.

Tutuloy ba ko?

Wag nalang kaya.

Tatlong araw na yung lumipas mula nung magkasakit ako.

Tatlong araw na din akong iniiwasan ni Anya.

Kinakausap lang nya ako kapag may inuutos o may tinatanong ako sa kanya.

Bakit kaya?

Siguro dahil pinagalitan sya ni Mamu dahil sa akin.

I feel sorry for her.

Wala naman syang ginawang masama and I actually enjoyed her company.

Gusto kong bumalik nalang sa kwarto ko pero ayaw ng mga paa ko.

Na-realize ko nalang, nasa tabi na nya ako.

Nakaupo kaming dalawa sa swing bench.

Nakayuko si Anya at sumisinghot, parang umiiyak.

"You're an early riser, huh?"

Inangat nya yung ulo nya saglit para ngitian ako at yumuko sya ulit.

Sobrang madilim pa.

At sobrang malamig.

"Kanina ka pa dito?"

"Oo, Bab-- Ahh.. Opo, Sir."

Nakakapagtaka talaga.

Hindi nya na rin ako tinatawag na Baby Boy.

"Sige, Sir. Pasok po muna ako. Ihahanda ko lang po kayo ng almusal." tumayo sya pero pinigilan ko sya.

"Sandali. Maupo ka muna. May pag-uusapan tayo."

Umupo sya ulit.

"Ano bang iniiyakan mo?" direcho kong tanong sa kanya.

"Huh?" tumingin sya sa akin, halatang nagulat.

"Huh?" I imitated her "Umiiyak ka kasi kanina. Bakit?"

"H-Hindi naman po, Sir.. sinisipon lang po ako kasi malamig." palusot pa -___-

"Liar. Di mo ko maloloko. Bakit nga?" sabi ko.

She pouted and scratched her head.

"Naiisip ko lang kasi sina Tita Shirley at Steff, yung pinsan ko. Kamusta na kaya sila? Magpapasko na pero wala pa din akong mabibigay sa kanila."

"Sila pa din iniisip mo? Kahit halos gawin ka nilang alipin at matapos ka nilang gawing 'walking bank' at 'robot'?" iritado kong sabi.

"Sir.. pamilya ko pa din sila. Kundi dahil sa kanila, bata pa lang ako, wala na ko." pangangatwiran nya.

"Tch.. sana ganyan din ako mag-isip. Sana kasing bait mo ako. Sana hindi ako galit sa mga magulang ko kahit iniwanan nila ako pareho para sa mga pansariling kaligayahan nila. Ni wala nga akong idea kung nasaan na si Mama ngayon." sumandal ako at dinuyan ng bahagya yung bench.

Lumingon si Anya sa akin.

"Parehas tayong iniwanan, Sir. Ang pinagkaiba lang, maswerte ka dahil mahal na mahal ka ng nag-aalaga sayo, mahal na mahal ka ni Mamu.. e ako? Si Lola na nga lang yung kakampi ko, nawala pa din sya. Kung ituring ako nila Tita Shirley at Steff, parang hindi nila ako kamag-anak. Napakasakit maisip na sa kabila ng paglilingkod ko sa kanila, nakukuha pa din nila akong pahirapan at saktan." umiiyak na naman sya.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon