*Lee's POV*
"Lilibangin ko muna si Anya tapos ikaw na bahala ha? Pagka-alis mo susunod na din sila Jake sa 'yo. My dad, stepmom and siblings already arrived at the place. They will help you. Basta dapat hindi makahalata si Anya about it. And 'yung dalawang pinaka-importante na dapat nando'n, kilala mo na sila 'di ba? Kailangan bago mag-7PM nando'n na lahat. Kapag nag-miss call ako sa 'yo, it means malapit na kami sa venue." paalala ko kay Julian habang hinahatid ko s'ya palabas ng gate.
"I got it." he nodded and tapped my shoulder, "We've planned that for almost a month. Anyways, good luck, Bro. Ngayon pa lang ico-congratulate na kita."
Napangiti ako, "Thanks, Juls. Salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa 'yo hindi mangyayari lahat ng 'to."
Umiling s'ya, "These things happened because it's meant to. Sige na. I'll go ahead."
Tumango ako, "O sige na. Babalik na ako sa loob. Ingat, Juls."
Sinundan ko s'ya ng tingin papalabas, nung makaalis na 'yung sasakyan n'ya sunod ko namang tinawag sina Roy at Vira na nando'n sa gilid ng gazebo at nag-uusap na din tungkol sa sorpresang inihanda namin para kay Anya.
Lahat ng nangyari ngayon ay PLANADO.
Alam ni Julian na ginamit namin s'ya bilang kunwaring ka-date ni Vira. Alam din ni Roy na ni-record ko 'yung pag-uusap namin kanina at naririnig 'yon ni Vira at Anya, lahat naman kasi ng sinabi n'ya do'n ay SCRIPTED. Kasama rin sa pagpapanggap namin 'yung pagsuntok ni Roy kay Julian. Totoong suntok 'yun para mas makatotohanan.
Dahil nga sa ginawa namin, na-realize ko na dapat pala ay nag-artista nalang kami at hindi nag-banda.
Sinetup namin si Anya.
At lahat ng ginawa naming pagpapanggap ay bahagi ng inihanda naming sorpresa para sa kanya.
Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay namin.
Gusto ko nang maging legal kami ni Anya, sa mata ng lahat ng tao, sa mata ng batas at sa mata ng Diyos.
Magpo-propose na ako sa kanya at maya-maya lang ay mangyayari na 'yon.
Tulad ng sinabi ko, sa araw na hindi n'ya maiisip na gagawin ko 'to.
"Okay na. Sunod na kayo kay Julian." bulong ko sa kanila, "'wag kayong magpakita kay Anya."
"Sige. Kita nalang tayo sa venue." sagot ni Roy, "Let's go, V."
"Okay. Ingat kayo, sabihan ko na din sila Jake. Hintayin n'yo nalang sila sa van, ikaw na magsabi sa driver kung saan kayo dadalhin, Roy." bilin ko bago ako naglakad papunta sa garden, dahil nakatingin si Anya sa akin, sinimplehan ko nalang ng thumbs up sila Jake.
Alam na kasi nila na kapag umalis na si Julian, oras na para umalis na din sila.
Napag-usapan na namin 'yon kanina.
Ang galing namin 'di ba? Haha!
Nilapitan ko naman si Anya na nakapamaywang at nakasimangot.
"May hindi na naman kayo sinasabi sa akin." umirap at naglakad s'ya papasok sa loob
I followed her and caught her with a backhug, "Wala kaya, Babe. Nagpaliwanag lang ako kay Julian. Pinagbati ko lang din sila ni Roy. Ikaw naman... wala na tayong lihiman ngayon."
She sighed, "Talaga ba? Baka naman may kalokohan na naman kayong pinag-uusapan ha?"
"Yes. Ano ka ba... walang ganun." I pecked her neck which made her giggle.
Hinarap ko s'ya sa akin at tinitigan ko s'ya.
"Promise walang lihiman?" tanong n'ya.
Tumango ako, "Wala ring iwanan."
