Chapter 4: Outcasted

1.2K 44 6
                                        

*Anya's POV*

"Lumayas ka na dito! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!" kasabay non ang pagtulak sa akin ni Tita sa labas ng gate. Hinagis nya sakin yung bag at mga damit ko.

Isang linggo na ang lumipas mula nung masisante ako sa trabaho.

Sinabi ko yon kay tita dahil ayokong magsinungaling o maglihim sa kanya.

Syempre nagalit sya sa akin. Napaka-iresponsable ko daw. Yun na nga lang daw ang pakinabang nya sa akin, nawala pa.

Aminado naman akong kasalanan ko. Hindi dapat ako natutulog sa oras ng trabaho.

Nangako ako kay tita na maghahanap ako ulit ng trabaho para hindi naman ako maging pabigat at palamunin lang sa kanya.

Araw-araw akong umaalis ng bahay, naghahanap ako ng trabaho kung saan-saan pero mahirap talaga.

Hindi naman kasi ako nakatapos ng college, hanggang 2nd year lang ang inabot ko, namatay kasi yung nagpapaaral sa akin, yung lola ko, yung nanay ni mama at ni tita Shirley.

Tumayo ako at nagpagpag ng katawan, pinagtitinginan ako nung mga kapit-bahay namin, sobrang nakakahiya -____-

"Mula nung mamatay yung malandi mong nanay na kumerengkeng sa isang mayamang Pranses na hindi naman pala sya mahal at dumating ka sa mundo, nagkanda-malas-malas na ako! Pinagtitiisan nga lang kita! Kung noon, kinakampihan at pinagtatanggol ka ng nanay, puwes ngayon wala ka nang kakampi! Wala ka nang puwang sa bahay na to! Ang kapal ng mukha mong paasahin ako? May papanga-pangako ka pang nalalaman! O ano ngayon ang ibabayad ko sa mga amiga ko?! Alam ko namang sinasadya mo to e, sinasadya mong lahat ng nangyayari! Bakit? Pinapalamon naman kita ah!"

Masakit. Tagos sa puso ko lahat.

Kung naipon lang sana ni Tita yung binibigay ko sa kanya lingguhan at hindi sya nagpapatalo ng libo-libo sa mahjong, edi sana wala kaming problema ngayon..

Gustuhin ko mang mangatwiran, hindi ko magawa dahil ako na naman ang magmumukhang masama.

"Anya?! Ano tong nakita ko sa ilalim ng higaan mo?" nagmamadaling lumabas si Steffany mula sa loob ng bahay, hawak nya yung 2000 na naitabi ko para sana kung sakaling kailanganin ko ng pera ay di na ako maghahagilap pa sa kung saan.

Waaaah! Nakalimutan ko!

Yan nga pala yung sobra dun sa 5000 na binigay sakin ni Madam Vinia!

"Ano yan?! Akala ko ba wala kang pera?!" nanggigigil na tanong ni tita.

patay -___- bakit kasi napaka-pakelamera ni Steff?

"Tignan mo kung gano kasakim yang Anya na yan, Mommy! Pinagtataguan pa tayo ng pera!" inirapan ako ni Steff.

Grabe.. nagsasalita pa sya ng ganyan e damit ko nga yung suot nya.

"Lumayas ka na dito! At wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!"

Napahinga ako ng malalim at naglakad palayo sa bahay ni tita. Naririnig kong nagbubulungan yung mga tao sa paligid ko.

"Naku kawawa naman talaga yang batang yan, mare."

"Oo nga e, kung mayaman lang ako, aampunin ko yan."

"Hayaan nyo't Diyos na'ng bahala riyan ke Shirley."

"Makakarma din yun."

Haaay.. ayoko yung kinakaawaan ako. Pero naaawa na din ako sa sarili ko ngayon.

Saan ba ako pupunta?

Kina Vira?

Naku, kulang pa nga ang kinikita nun para matustusan ang pangangailangan ng 5 nyang mga kapatid at na-stroke na tatay. Ang nanay nya naman, tindera lang ng isda sa palengke.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon