Chapter 11: Shut Up and Kiss Me

1K 46 4
                                        

*Lee's POV*

Lunch time..

Lahat kami ay nag-gather sa isang kubo malapit lang sa hotel na tinutuluyan namin.

Bakit wala pa din si Anya?

Ang slow talaga ng daga na yon.

Psh.

"Kami nalang ba ang hinihintay?" andito na si Priscy, naglakad sya papunta sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hi.. have you eaten, Babe?" nakangiting tanong nya sa akin.

Tinignan ko lang sya at tumango.

Oo nalang kahit hindi.

Kukulitin na naman ako nito.

Sa di kalayuan, nakita ko na din si Anya.

Naka-maong na maikling shorts at hanging shirt, kitang-kita yung curve ng katawan nya.

She looked perfect with her hair untied.

Ang ganda nya. :)

"Babe? Babe~" kumaway-kaway si Priscy sa akin.

Now I'm back to my senses.

"H-ha?"

"Di ka naman nakikinig e~" nag-pout sya at nag-cross arms.

"Eh ano ba kasing sinasabi mo?"

"Tinatanong kita kung anong kinain mo, ngumingiti ka lang mag-isa dyan. What's making you smile ba, Babe?" niyapos nya yung braso ko.

"Sexy mo ah~!" narinig kong sabi ni Von.

Nakatalikod si Anya kaya hindi ko naintindihan yung sinabi nya.

Maya-maya lang, lumapit na si Roy sa kanya at niyapos sya sa waist.

Tch -___- napaka-pervert talaga nito ni Roy.

Kanina lang may kahalikan syang babae dun sa henna shop, ngayon si Anya naman ang nilalandi nya.

"Priscy, stop calling me 'Babe'. Hindi ko ugaling manulot ng girlfriend. Lalo na kung girlfriend ng pinsan ko."

Yeah right.

Never.

Magsama sila ni Shawn.

Yung pinsan kong siraulo.

"But Babe~ hindi naman naging kami ni Shawn."

Nakayapos pa din si Roy kay Anya.

At mukhang gustong-gusto naman ni Anya.

Tch.

"I said stop calling me 'Babe'." tumayo ako at inalis yung kamay ni Priscy na nakayapos sa braso ko.

Lumakad ako palabas ng kubo.

"Tabi nga." hinawi ko si Roy.

Makahalata sana sya.

Nakita kong namumula si Anya.

"Hindi bagay sayo. Ang landing tignan." Sabi ko sa kanya tapos umalis na ako.

"Woah~" si Von siguro yun.

Nababadtrip ako.

Ayokong makipag-usap kahit kanino.

Pumunta ako sa shore at naglakad-lakad.

Nung makarating ako sa hindi mataong lugar, dun na ako nag-stay.

Umupo ako dun sa mataas na bato at nag-isip-isip.

Mula nung lokohin ako ni Priscy, naging cold na ako sa kanya.

My Almost Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon